January 31, 2012

Paano mag download ng mga files (at video) ng mas mabilis?



Dahil sa busy ako ano nitong January, hindi ako agad naka upload ng baong tutorial, pero i update ko ito agad pag nakaluwag sa schedule. hindi ko ito papalagpasin ng isang linggo. salamat sa pag unawa. habang wala pa itong tutorial na ito, pwede niyo i view ang mga nakaraang post ko gamit ang "Blog Archive" sa gilid.

Hay... sa wakas, lumuwag na schedule ko... 

Part 1 (downloading files)

ang "Internet Download Manager" ay isa sa mga pinaka paborito kong pang download ng kung anu anung files dahil pinapabilis nito ang pag download ng files hanggang 8 beses! sulit na sulit! hindi mo na kailangan magbabad ng matagal sa harap ng kompyuter para lang mag download ng mga files. at kaya rin nitong mag "resume" ng mga files na dina download. kung baga, pwede mo i pause pag alis mo ng kompyuter mo at pwede mo ituloy pagbalik. maraming website ang suportado nito at kahit mga "streaming videos at audio" pwede rin!

dalawang parts ang tutorial na gagawin ko, ito ang unang part. ang pag download ng mga kung anu anung files. para sa mga tao na ang habol lang eh ang pag download ng videos eh "Click dito."

hindi ko na ito papatagalin! simulan na natin!

Mga kailangan:

1. Kompyuter na may internet.
2. Tiyaga sa pagbabasa nito.
3. At sayo ang kompyuter! (pwede rin gamitin sa mga shop, pero kung pwede mag install ng programs...)

game!

1. Una sa lahat, kailangan mo i download ang latest na Mozilla Firefox "dito". i install ito pagkatapos i download. nasa ibaba ang mga picture kung paano mag install ng Firefox pag hindi mo pa alam paano.



1. Click mo yung installer.

2. click next.

3. click next.

4. click install.

5. click finish.

6. click "don't import anything" tapos next.

7. tapos na ang pag install mo ng Mozilla Firefox sa kompyuter mo.

PAALALA: kung may Mozilla Firefox ka nang naka install sa kompyuter mo at ininstall mo ito, ok lang. (i install mo pa rin ito.) basta i activate mo ang IDM integration module pagka install ng dalawang program. makikita ito sa... 

1. a. open mo Firefox mo.

1. b. click tools

1. c. click add-ons

1. d. click extensions at click enable sa may "IDM CC X.X.XX"


2. I download ang latest na Internet Download Manager "dito".  nasa ibaba ang mga picture kung paano i install ang IDM. next next lang po hanggang finish.

1. i download sa link sa taas yung installer ng IDM.

2. i open ang na download na installer at click next.

3. click next.

4. click next.

5. click next

6. click next.

7. click finish.

8. click ok.

9. pag lumabas ng ganito ang Mozilla Firefox, i click ang "allow this installation" tapos click continue.

 10. click "restart firefox." tapos!


3. Pagka install ng dalawang program na yan, ready to download ka na! kung meron kang gusto i download na file, i click lang ang file, automatic na masasagap ng IDM ang download mo. ganito ang itsura ng window pag IDM ang kumuha ng download.



pag hindi masagap ng IDM ang download mo sa hindi malamang dahilan, try mo i right click ang file at click ang, "download with IDM"



PAALALA: kung meron ka namang Google Chrome o hindi mo hilig ang Firefox, pwede rin. pero medyo mahihirapan ka ng konti sa pag download ng mga videos. kaya mas mabuti pa ang Firefox para sa pag download ng mga files. tatalakayin ko ito sa susunod kong tutorial ng malalim ng konti.

sa mga interisado na gawing "full version" ang program na ito. pwede po kayo mag request sa wall ng aking "Facebook Fanpage". at habang nandun kayo, paki like na rin ang fanpage please? hindi muna po ako tatanggap ng mga request sa mismong Facebook account ko.

Tutorial Video coming soon. (putek, antok na ako... time check ay 1:30AM 02/25/2012)

Para sa mga katanungan, i message ako sa mga sumusunod;
E-mail - remwill_nakahata@yahoo.com.ph
Facebook - Remwill Nakahata
Cellphone No. - +639306309141
Facebook Fanpage - "Kompyuter Para Sa Mga Tanga" on Facebook

4 comments:

  1. eto na po pag natapos ko gawin tong tutorial na ito..

    ReplyDelete
  2. is so simple to me
    i hab 4 downlandder and all of them

    ReplyDelete
  3. ang ayos nang tutorial mo khit medyo slow ako sa pag follow instruction na gawa ko !!

    ReplyDelete

Mag iwan ng comments o tanong dito at aking tutugunan ito agad pag naka online ako.

Stat Counter


View My Stats