December 21, 2011

Paano mag install ng "Portable Apps" sa iyong USB Flash Drive?




(sakit sa ulo ang last minute, hahaha. Merry Christmas and a Happy New Year to all!)

Sigurado ako na kung ikaw ay nagbabasa nito ay may USB flash drive ka ngayon. at sa tingin ko ang laman nyan ay... kalat kalat na pictures, music, video at documents. baka may ilang installer at porno vids. hindi ko alam. hahaha. pero kung sa tingin mo ay hanggang pang save lang ng files ang USB flash drive mo, nagkakamali ka.


ang original na gamit ng mga USB flash drive ay pang save lang talaga ng files, pero dahil ang mga pangangailangan ng tao pagdating sa pag gamit ng kompyuter ay tumitindi, kailagan na rin sumabay ng teknolohiya na kasabay sa paggamit nito.

ang isang "program" o "application" ay kadalasang kailangan i install sa mismong kompyuter na gagamitin mo, pero paano kung wala kang kompyuter? nakikigamit ka lang sa, kapit bahay, kamag anak o sa libaging kompyuter shop na malapit sa inyo? may program kang gusto gamitin pero bawal mag install ng walang paalam dahil baka makasira sa kompyuter na gagamitan mo, lalo na ang mga kompyuter shop dahil mahigpit sila. kaya ang solusyon sa problema na yan ay ang paggamit ng "Portable Apps".

ini install ang mga "Portable Apps" kadalasan sa mga USB flash drives, pero pwede rin i install sa mga Portable hard disk drives at CD-DVD. hindi ito nakakasama sa kopyuter na paggagamitan dahil lahat ng settings ng application ay naka save sa "USB flash drive" at ang importante sa lahat, ang data na nagawa mo at maaari mong maiwan sa kompyuter pag nag install ng isang program ay hindi magagalaw pag ang portable version nito ang ginamit mo.

Halimbawa, mahilig ka gumamit ng Firefox o Google Chrome sa kompyuter shop, nag open ka ng Facebook at aksidenteng na click mo yung remember password, at pagka time mo ay nakalimutan mo na ang ginawa mo, kaya pag tayo mo at may next customer na uupo, na hack na FB mo.

pero, pag gumamit ka ng, "Google Chrome portable" at ginawa mo i save password mo, ok lang kasi ang password mo, safe sa USB flash drive pagka out mo. wag mo nga lang iwan yung USB flash drive. hahaha.

maraming mga PortableApps ang maari mong ma download at magamit, nasa sayo na yan kung ano ang mga kailangan mo, ang tutorial na ito ay parang basic guide lang sa pag install ng PortableApps, pero pagka download mo ng installer ay madali nalang ito i install sa USB flash drive, kadalasan ay, Next>Next>Finish. ganun kadali.

Simulan na natin!

mga kailangan:

1. USB flash drive na hindi bababa ng 256mb.


2. kompyuter na may internet.
3. Windows XP o Windows 7 (pagka windows 7, i right click ang installer at piliin ang "run as administrator."

STEPS:


1. i download muna ang PortableApps Launcher "dito."


2. i install ang madownload na installer sa USB flash drive mo.











3.pagkatapos ma install ng launcher, pwede mo na simulan lagyan ng Apps ang USB flash drive mo.

4. ngayon, para sa listahan ng mga available na PortableApps na maari mong magamit, click "dito."



5. pili ka ng App na gusto mo, example, etong "Lightscreen Portable" na ginagamit ko pang picture sa computer.



6. hintayin matapos ang download ng installer, pag tapos na, i open o double click ang na open na program.



7. pag ininstall mo kanina ang "PortableApps Launcher", madali nalang ang pag install ng Apps, pwede mo na i next agad dahil automatic ang pag detect sa USB flash drive na may Launcher. i next lang hanggang finish.






8. pagkatapos ma install, pwede mo na i open ang program sa PortableApps Launcher mo, Tapos!


Tutorial Video



Para sa mga katanungan, i message ako sa mga sumusunod;
E-mail - remwill_nakahata@yahoo.com.ph
Facebook - Remwill Nakahata
Cellphone No. - +639306309141
Facebook Fanpage - "Kompyuter Para Sa Mga Tanga" on Facebook

Stat Counter


View My Stats