September 22, 2011

Paano magkaroon ng libreng 15GB na online back up storage para sa mga files mo?



Para sa mga nakabasa ng dati kong post na "Paano dagdagan ng 10GB ang USB mo?" tinuro ko kung paano magdagdag ng libreng back up space para sa usb flash drive mo na napupuno. ngayon, mas pinadali ko na ang pag gamit ng "4shared" dahil hindi mo na ito kailangan i install pa dahil ginawa ko na itong "portable".

At mas pinaganda na ang pag gamit ng 4shared dahil mas pinalaki na nila ang free space na pwede gamitin ng mga free users, 10GB kung hindi mo na verify ang account mo sa e mail pero "15GB" para sa mga  free users na nakapag verify ng kanilang mga free accounts.

ang mga advantages sa pag gamit ng online file back up ay ang mga sumusunod:

1. kung sakaling mawala ang iyong USB flash drive at lahat ng mga files mo, at madalas kang mag back up sa internet, hindi gaanong nakaka stress ang pag recover ng files mo. dahil naranasan ng mga maraming tao na mawalan ng USB flash drive na punong puno ng mahalagang files tulad ng pictures at mga projects sa school na pinag hirapan gawin ng matagal.

2. sa 4shared, pwede kang gumawa ng music playlist!, i upload mo lang lahat ng mga kanta o MP3 mo sa isang folder at meron ka nang sounds kahit saan ka gumamit ng computer, basta may internet. tama na kaka "Youtube" para sa isa isang kanta!

3. pwede mo i set na "public" o "private" ang mga files mo, share your blessings!

4. kung sakaling wala ka ngang USB flash drive, pwede na muna to pansamantala, kaysa gumamit ka ng "Yahoo Mail" para sa files mo, mas madali at maayos gamitin ang 4shared dahil pwede ka namang mag log in sa website nila at dun mo i access ang account mo, gawa folder, delete, kinig music, nood ng video, at kung ano ano pa.

Hindi ko na siguro papatagalin pa no? eto, simulan na natin!

1. download 4shared portable na ginawa ko "dito".
2. i extract ang laman sa desktop, tapos i open ang desktop.exe


3. pag ka open ng program, piliin ang "I'm new to 4shared at click next.


4. ilagay ang mga kailangan tulad ng e mail at password na gagamitin mo, piliin ang "free plan"

5. pag ka click ng sign up, automatic ka na ma lolog in, tapos!

6. tandaan mo nalang yung email at pass mo kung sakaling gusto i access sa internet ang account mo.
7. pwede mo na simulan ang pag upload at pag ayos ng mga files mo.

PAALALA:

10GB lang muna ang ipapagamit sayo pero pag na verify mo na ang account mo, gagawin yang 15GB. ok?

"Tutorial Video" coming soon.



Para sa mga katanungan, i message ako sa mga sumusunod;
E-mail - remwill_nakahata@yahoo.com.ph
Facebook - Remwill Nakahata
Cellphone No. - +639306309141
Facebook Fanpage - "Kompyuter Para Sa Mga Tanga" on Facebook

1 comment:

Mag iwan ng comments o tanong dito at aking tutugunan ito agad pag naka online ako.

Stat Counter


View My Stats