June 2, 2011

Paano mag extract at mag compress ng mga files at folders?


naranasan mo na bang makadownload ng mga files pero hindi mo ma open ang mga ito? baka naka "compress" ang mga files kaya hindi ma open ng maayos. o hindi naman kaya ay gusto mo ipagkasya ang isang folder ng files mo sa USB Flash Drive mo pero ayaw mo magbura ng mga nakasave na files? pwede mong i compress ang folder na pinaglalagyan ng mga files mo para mas madaling i kopya at magkasya na sa Flash Drive mo ng maayos. o kaya naman gusto mo lagyan ng password ang folder mo para hindi makita ang laman nito sa mga taong hindi mo naman kilala? lahat ng yan magagawa mo sa paggamit ng isang "Archiving Program".

ang lahat ng windows simula sa Win98 (kahit alam kong wala nang nagamit nito kundi sa school lang namin.) hanggang sa Windows 7, ay may "built-in" nang program para maka bukas ng mga "ZIP" o compressed folders. makikita ito pag nag right click ka sa isang file at makita mo ang option na "Send to-->Compressed (Zipped) Folder". o kaya kung gusto mo naman mag extract ng ZIP folder, right click lang sa ZIP folder at piliin ang "extract all..." click lang ng next next hanggang mag finish. ipapakita sa bagong window ang mga files na na extract sa ZIP folder at pwede mo nang i save o kaya gamitin ang mga files na ito.

pero may limitasyon din ito, ito ang ilan sa mga yun;

- hindi kaya mag open ng mga "RAR" zipped folders.
- hindi pwedeng lagyan ng password ang ZIP folder na ginawa mo.
- mabagal mag compress.
- hindi kayang ma repair ang mga ZIP folders na na corrupt.
- halos walang security ang pag compress ng files
- hindi pulido ang compression sa ibang files, parang hindi lumiit ang size ng file kahit na compress mo na.

ayun, kaya gagamit tayo ng software na kaya pang higitan ang Windows ZIP folder application. "Winrar", ang pangunahing program na dapat pagpilian para sa mga gawain tulad nito. Kaya nitong...

- mag open ng maraming uri ng "Archives" tulad ng ZIP,RAR,CAB at ISO.
- pwede lagyan ng password ang compressed folder mo. (hanggang 64 Characters, kasama na mga special symbols.)
- mabilis mag compress ng files, suportado rin ang mga makagabong CPU para lalong bumilis pa ang compression.
- kaya mag repair ng mga na damage na RAR at ZIP archives.
- maganda ang "encryption" na ginagamit ng Winrar para sa mas dagdag na security para sa mga sensitibong files mo.
- "optimized" ang compression ng mga files depende sa file type at sinisigurado nito na hindi ma corrupt ang Archive.

Simulan na natin!

1. download "Winrar" 3.92 Corporate "dito".
2. extract ang ZIP files at install mo ang program pagka download, next next hanggang finish.
3. pagkatapos ma install ng Winrar, pwede ka nang mag compress at mag extract ng mga compressed folders!

para mag compress:

1. ilagay sa isang folder lahat ng mga files na gusto mo ma compress.

2. pagkatapos nito, labas ka ng folder at i right click mo sa folder na gusto mo i compress.

3. click "add to archive..."


4. pumili ka ng archive format, RAR kung balak mo i open ang compressed folder sa ibang Winrar o kaya naman ZIP lang kung ang computer na gagamitan mo ay walang Winrar o ibang archiving program.

5. lagyan ng Filename ang compressed folder mo.

6. click mo ang "browse" kung gusto mo pumili kung saan mo gusto i save ang nagawa mong Archive. (ok na sa "Desktop".)

7. kung gusto mo naman i set ang "compression method" mo, i set mo na. maiintindihan mo naman siguro agad yung modes.

8. hintayin matapos ang compression, makikita ang compressed folder na ginawa mo kung saan mo pinili ito masave. kung hindi ka pumili ng directory kanina, makikita ang file na ginawa mo sa tabi ng original folder mo.

para mag extract:

1. right click sa Compressed folder, ang itsura nito ay tatlong libro na nakatali sa belt.

2. piliin ang "extract to *\" (* ay pangalan ng compressed folder mo, hal. "extract to folder_ko\")

3.pagkatapos na extract ng files, makikita mo na ang na extract na folder sa tabi ng compressed folder mo.

Tutorial Video


Para sa mga katanungan, i message ako sa mga sumusunod;
E-mail - remwill_nakahata@yahoo.com.ph 
Facebook - Remwill Nakahata 
Cellphone No. - +639306309141

No comments:

Post a Comment

Mag iwan ng comments o tanong dito at aking tutugunan ito agad pag naka online ako.

Stat Counter


View My Stats