January 5, 2011

Paano mag install ng "Antivirus"?



Mga virus, trojan at worms... nakaka asar, nakakalibag at nakaka praning. maraming ginagawang masama sa ating mga kompyuter. Simula sa simpleng pag shutdown ng kompyuter, pag delete ng files, pagnanakaw ng impormasyon, hanggang sa sirain na ang buong kompyuter mismo. sa sandamakmak na lahi ng virus na nasa internet, paano mo maiiwasan ang pagkahawa

Ang mga suusunod ay mga paraan upang maiwasan ang pagkahawa (o maibsan man lang.) ang pagkahawa ng kompyuter mo sa mga virus:

  1. Maging alerto sa pag browse sa  internet, wag mag click sa mga link na mukhang kaduda-duda. Baka pag click mo ay may lihim na virus nang pumapasok sa kompyuter mo.
  2. Mag ingat s pag download ng mga files mula sa internet, dahil minsan may nagtatanim o nakakabit na virus sa mga *.exe files (mga programs at installers) at mga iba't ibang files. (*.doc,*.jpg,*.mp3 etc.)
  3. Bago mag salpak ng mga storage devices tulad ng USB Flash Drive, Memory Cards, External Hard Drives, etc., siguraduhing malinis ang mga ito  mula sa mga virus bago i open.
At ang pinaka importante sa lahat, mag install ng "Antivirus" sa iyong kompyuter.

Maraming nag aakala na ang kompyuter na na installan ng ng dalawa o higit pa na antivirus ay ligtas na sa virus, ngunit hindi ito totoo. Dahil oras na mag launch ang ikalawang antivirus, madedetect ito ng naunang antivirus na nainstall bilang isang virus! Malalim ang paliwanag nito. Kung gusto niyo malaman kung bakit, i message niyo ako at baka gawan ko ito ng topic balang araw.

Ang maiging solusyon dito ay mag  install ng isang antivirus at isang program na mag "compliment" o tutulong sa antivirus. Halimbawa nito ay ang iba't ibang USB Guard program na available ngayon sa internet.

Sa tutorial na ito, gagamitin natin ang "Avira" Personal Antivirus at "USB Disk Security"

Avira antivirus ang napili ko dahil ito ang madalas kong gamitin at 1 year ang license, bukod sa pagiging libre. Pulido ang pag scan sa buong kompyuter at nakaka repair ng mga nasirang *.exe files. Meron din itong "Manual Update" para sa mga kompyuter na walang internet connection. Ang kailangan mo lang ay USB Flash Drive na may 160mb free space para sa mga installers na ilalagay sa kompyuter na walang internet.

Ang compliment na USB Guard na gagamitin ay ang "USB Disk Security". Maganda ang performance nito dahil pagsalpak palang ng USB Flash Drive ay automatic na magsisimula agad ang scan. At higit sa lahat, kaya nito magtanggal ng malilibag na "Autorun" Viruses.

Mga kailangan:
  1. Kompyuter - Maigi sana kung may internet connection.
  2. USB Flash Drive - Para ma take home ang mga installer kung sakaling walang internet connection ang kompyuter mo.
  3. Tiyaga - Dahil, minsan talagang mahirap mag install ng mga programs sa kompyuter.
Para sa Avira:
  1. Download mo ang Avira Personal Antivirus "Dito". 
  2. Download mo ang Avira VDF Files (Manual update file - Latest) "Dito".
  3. Pagkatapos mag download ng Antivirus, i open ang installer at sundin ang mga susunod na pictures.







  1. Click Finish, automatic ang update ng Avira, pero kung walang internet connection, i cancel nalang ang update window.
  2. Double click ang Avira icon sa may "System Tray" (sa may tabi ng orasan.)
  3. Lalabas ang Avira main window, click ang update tab at piliin ang "Manual Update"
  4. Hanapin ang VDF File na dinownload mo kanina at i click ang open.
  5. 9. Automatic na ang update ng Avira pag nagawa mo ito ng maayos.
  6. I restart ang kompyuter pagkatapos ng update upang magsimula ng full system scan sa susunod na boot ng kompyuter. Tapos!

Paalala:

Siguraduhin na linisin lahat ng mga removable storage (USB Flash Drive, Memory Card, Etc.) na meron ka para hindi na mahawa ang kompyuter mo at ang ibang tao na hihiram ng USB Flash Drive mo.

Para sa USB Disk Security:
  1. I Download USB Disk Security "dito".
  2. I Extract ang laman ng file papuntang desktop.
  3. I click ang setup.exe.
  4. Sundin ang installation procedure.
  5. Pagkatapos ma install ng program, i double click ang icon ng USB Disk Security sa System Tray.
  6. I open ang serial.txt na kasama sa files na nadownload kanina at i copy ang serial key
  7. I click ang "Information" at i paste ang serial key sa registration code at lagyan ng pangalan sa may registration name at i click ang register pagkatapos.
  8. Kung may internet connection,click mo "dito" at i run ang program na mada download para ma full version ang USB Disk Security mo, kung wala naman, okay lang. (madedetect ito bilang virus pero hindi ito masamang virus, i disable ang anti virus pansamantal para gumana ito.)
  9. Subukan i scan ang mga USB Flash Drive at mga memory card mo para masiguro na wala kang virus na inaalaga. Tapos!

Sana nakatulong  ang tutorial ko na ito. ^^, Mabuhay! Happy New Year ulit!

Para sa mga katanungan, i messaege ako sa mga sumusunod;

E-mail - remwill_nakahata@yahoo.com.ph
Facebook - Remwill Nakahata
Cellphone No. - +639306309141

Stat Counter


View My Stats