December 21, 2011

Paano mag install ng "Portable Apps" sa iyong USB Flash Drive?




(sakit sa ulo ang last minute, hahaha. Merry Christmas and a Happy New Year to all!)

Sigurado ako na kung ikaw ay nagbabasa nito ay may USB flash drive ka ngayon. at sa tingin ko ang laman nyan ay... kalat kalat na pictures, music, video at documents. baka may ilang installer at porno vids. hindi ko alam. hahaha. pero kung sa tingin mo ay hanggang pang save lang ng files ang USB flash drive mo, nagkakamali ka.


ang original na gamit ng mga USB flash drive ay pang save lang talaga ng files, pero dahil ang mga pangangailangan ng tao pagdating sa pag gamit ng kompyuter ay tumitindi, kailagan na rin sumabay ng teknolohiya na kasabay sa paggamit nito.

ang isang "program" o "application" ay kadalasang kailangan i install sa mismong kompyuter na gagamitin mo, pero paano kung wala kang kompyuter? nakikigamit ka lang sa, kapit bahay, kamag anak o sa libaging kompyuter shop na malapit sa inyo? may program kang gusto gamitin pero bawal mag install ng walang paalam dahil baka makasira sa kompyuter na gagamitan mo, lalo na ang mga kompyuter shop dahil mahigpit sila. kaya ang solusyon sa problema na yan ay ang paggamit ng "Portable Apps".

ini install ang mga "Portable Apps" kadalasan sa mga USB flash drives, pero pwede rin i install sa mga Portable hard disk drives at CD-DVD. hindi ito nakakasama sa kopyuter na paggagamitan dahil lahat ng settings ng application ay naka save sa "USB flash drive" at ang importante sa lahat, ang data na nagawa mo at maaari mong maiwan sa kompyuter pag nag install ng isang program ay hindi magagalaw pag ang portable version nito ang ginamit mo.

Halimbawa, mahilig ka gumamit ng Firefox o Google Chrome sa kompyuter shop, nag open ka ng Facebook at aksidenteng na click mo yung remember password, at pagka time mo ay nakalimutan mo na ang ginawa mo, kaya pag tayo mo at may next customer na uupo, na hack na FB mo.

pero, pag gumamit ka ng, "Google Chrome portable" at ginawa mo i save password mo, ok lang kasi ang password mo, safe sa USB flash drive pagka out mo. wag mo nga lang iwan yung USB flash drive. hahaha.

maraming mga PortableApps ang maari mong ma download at magamit, nasa sayo na yan kung ano ang mga kailangan mo, ang tutorial na ito ay parang basic guide lang sa pag install ng PortableApps, pero pagka download mo ng installer ay madali nalang ito i install sa USB flash drive, kadalasan ay, Next>Next>Finish. ganun kadali.

Simulan na natin!

mga kailangan:

1. USB flash drive na hindi bababa ng 256mb.


2. kompyuter na may internet.
3. Windows XP o Windows 7 (pagka windows 7, i right click ang installer at piliin ang "run as administrator."

STEPS:


1. i download muna ang PortableApps Launcher "dito."


2. i install ang madownload na installer sa USB flash drive mo.











3.pagkatapos ma install ng launcher, pwede mo na simulan lagyan ng Apps ang USB flash drive mo.

4. ngayon, para sa listahan ng mga available na PortableApps na maari mong magamit, click "dito."



5. pili ka ng App na gusto mo, example, etong "Lightscreen Portable" na ginagamit ko pang picture sa computer.



6. hintayin matapos ang download ng installer, pag tapos na, i open o double click ang na open na program.



7. pag ininstall mo kanina ang "PortableApps Launcher", madali nalang ang pag install ng Apps, pwede mo na i next agad dahil automatic ang pag detect sa USB flash drive na may Launcher. i next lang hanggang finish.






8. pagkatapos ma install, pwede mo na i open ang program sa PortableApps Launcher mo, Tapos!


Tutorial Video



Para sa mga katanungan, i message ako sa mga sumusunod;
E-mail - remwill_nakahata@yahoo.com.ph
Facebook - Remwill Nakahata
Cellphone No. - +639306309141
Facebook Fanpage - "Kompyuter Para Sa Mga Tanga" on Facebook

October 31, 2011

Paano maglaro ng mga "Gameboy Advance" games sa iyong kompyuter?



kung ikaw ay isang gamer na tulad ko, malamang marunong ka na gumamit ng "Videogame Emulator" pero kung hindi ka naman gaano ka techie pero gusto mo pa rin maglaro ng gameboy sa kompyuter mo, heto ang tutorial para sayo!

gagamitin natin ang "VBA Emulator" para sa tutorial na ito, ito ang pinaka maayos na emulator na gamit ko at ng iba pang mahilig sa oldies na games, haha.

Simulan na natin!


1. I download ang VBA emulator "dito."

2. i extract ang laman ng file, kung hindi ka pa marunong mag extract ng mga ZIP o RAR files tignan ang tutorial ko kung paano "dito."




3. maghanap ng games na gusto mo laruin "dito". o kung wala kang mapili, i test muna itong isang game na ito, "Castlevania 2 in 1.gba" (paki extract nalang din kasi naka ZIP ang mga games na i da download mo.)






4. i open ang "visualboyadvance.exe"





default controls ay:

W - Up
S - Down
A - Left
D - Right
NUM 1 - B
NUM 2 - A
NUM 4 - L
NUM 5 - R
NUM 0 - Select
NUM DEL(.) - Start

kung gusto mo baguhin ang controls, makikita ang pag ayos nito sa:

Options > Joypad > Configure > 1...

5. para maka open ng game, i drag ang GBA file sa emulator, o kaya, File > Open, tapos hanapin ang GBA file na gusto mo laruin.





6. Tapos! wala ka nang kailangan pang baguhin sa ibang settings, puwera nalang sa controls kung hindi ka komportable.


kung sakaling nag e error ang emulator sa hindi niyo malaman na dahilan, i post niyo nalang ang problema niyo sa "Fanpage"

"Tutorial Video Coming Soon"

Para sa mga katanungan, i message ako sa mga sumusunod;
E-mail - remwill_nakahata@yahoo.com.ph
Facebook - Remwill Nakahata
Cellphone No. - +639306309141 Facebook

September 22, 2011

Paano magkaroon ng libreng 15GB na online back up storage para sa mga files mo?



Para sa mga nakabasa ng dati kong post na "Paano dagdagan ng 10GB ang USB mo?" tinuro ko kung paano magdagdag ng libreng back up space para sa usb flash drive mo na napupuno. ngayon, mas pinadali ko na ang pag gamit ng "4shared" dahil hindi mo na ito kailangan i install pa dahil ginawa ko na itong "portable".

At mas pinaganda na ang pag gamit ng 4shared dahil mas pinalaki na nila ang free space na pwede gamitin ng mga free users, 10GB kung hindi mo na verify ang account mo sa e mail pero "15GB" para sa mga  free users na nakapag verify ng kanilang mga free accounts.

ang mga advantages sa pag gamit ng online file back up ay ang mga sumusunod:

1. kung sakaling mawala ang iyong USB flash drive at lahat ng mga files mo, at madalas kang mag back up sa internet, hindi gaanong nakaka stress ang pag recover ng files mo. dahil naranasan ng mga maraming tao na mawalan ng USB flash drive na punong puno ng mahalagang files tulad ng pictures at mga projects sa school na pinag hirapan gawin ng matagal.

2. sa 4shared, pwede kang gumawa ng music playlist!, i upload mo lang lahat ng mga kanta o MP3 mo sa isang folder at meron ka nang sounds kahit saan ka gumamit ng computer, basta may internet. tama na kaka "Youtube" para sa isa isang kanta!

3. pwede mo i set na "public" o "private" ang mga files mo, share your blessings!

4. kung sakaling wala ka ngang USB flash drive, pwede na muna to pansamantala, kaysa gumamit ka ng "Yahoo Mail" para sa files mo, mas madali at maayos gamitin ang 4shared dahil pwede ka namang mag log in sa website nila at dun mo i access ang account mo, gawa folder, delete, kinig music, nood ng video, at kung ano ano pa.

Hindi ko na siguro papatagalin pa no? eto, simulan na natin!

1. download 4shared portable na ginawa ko "dito".
2. i extract ang laman sa desktop, tapos i open ang desktop.exe


3. pag ka open ng program, piliin ang "I'm new to 4shared at click next.


4. ilagay ang mga kailangan tulad ng e mail at password na gagamitin mo, piliin ang "free plan"

5. pag ka click ng sign up, automatic ka na ma lolog in, tapos!

6. tandaan mo nalang yung email at pass mo kung sakaling gusto i access sa internet ang account mo.
7. pwede mo na simulan ang pag upload at pag ayos ng mga files mo.

PAALALA:

10GB lang muna ang ipapagamit sayo pero pag na verify mo na ang account mo, gagawin yang 15GB. ok?

"Tutorial Video" coming soon.



Para sa mga katanungan, i message ako sa mga sumusunod;
E-mail - remwill_nakahata@yahoo.com.ph
Facebook - Remwill Nakahata
Cellphone No. - +639306309141
Facebook Fanpage - "Kompyuter Para Sa Mga Tanga" on Facebook

August 28, 2011

Paano maging ligtas ang komputer mula sa mga USB Flash Drives?


Ang isang pangunahing sanhi kung bakit nagkakaroon ng virus, trojans, worms o kung anu anong mahiwagang files na makakasira sa iyong kompyuter ay ang pag salpak ng mga USB flash drives na hindi na i scan ng maayos o hindi naman kaya ay nahawa na sa komputer na huling pinagkabitan, nilagay sa bagong kompyuter at nahawa ito bago pa man makapalag ang "Antivirus" mo. ang isang USB flash drive kasi ang pinaka paboritong kapitan ng mga virus ngayon, nung unang panahon, "floppy disks" ang trip nila.

ang virus ay kailangan ma click para gumana, pero pag may katambal na "Autorun" ang virus, pwede na gumana ang virus kahit hindi i click. para mapigilan ang virus, kailangan mapigilan ang "Autorun".

Kung pamilyar na kayo sa "USB Disk Security", eto na ang latest update mula sa Version 5.

Simulan na natin!

1. Download mo ang files na kailangan "dito".

2. Pag na download mo na ang ZIP file, i extract ang laman nito.

3. Click Setup.exe, tapusin ang set up, next next lang hanggang finish.



4. Click Crack.bat para ma full version ang USB Disk Security mo.



 5. Kung maayos naman ang pagkasunod mo sa instruction, mag o open ulit ang USB Disk Security at makikita mo na full version na ang USB Disk Security mo.


6. Kung may mga USB flash drive ka na ginagamit, siguraduhing i "Vaccinate" mo ang mga ito para hindi na malagyan ng "Autorun" at mahawa pa ang ibang kompyuter na paglalagyan mo.

Tutorial Video



Para sa mga katanungan, i message ako sa mga sumusunod;
E-mail - remwill_nakahata@yahoo.com.ph
Facebook - Remwill Nakahata
Cellphone No. - +639306309141
Facebook Fan Page - ""Kompyuter Para Sa Mga Tanga" on Facebook

July 16, 2011

Paano mag download ng mga videos sa Youtube? (Updated)

Update! September 29, 2011

dahil sa maraming nagsasabi na hindi na daw gumagana ang ginawa kong portable na "Atube Catcher" (dahil siguro sa pag update ng "Youtube") ay gumawa ako ng bagong portable Atube catcher na ma da download:


salamat kay Lilibeth de Guzman Obra sa pagsabi na hindi na gumagana yung ginawa kong portable Atube Catcher. (may nag text sa akin na isa kaso hindi naman nagpakilala, haha.)

dahil sa marami pa rin tayong mga kababayan na gusto mag download ng mga video sa Youtube gamit ang pinaka latest na libreng software, naisipan ko na ring i update ang tutorial ko na ito. hindi ko na siguro papatagalin, simulan na natin!

1. i download ang ginawa kong "portable" na Atube Catcher 2.3 "dito". (medyo malaki ang file, 50Mb)

2. pagkatapos i download, i open nalang ang program, hindi na ito kailangan pang i install.

3. pumunta sa "Youtube" at i search ang video na i da download, tapos kunin ang "URL" o webpage address ng video.

4. i paste ang URL ng video sa Atube Catcher.

5. piliing kung anung format ng video na i co convert.

6. pag ok na ang lahat, click download.

7. pagkatapos ma download, makikita ang video sa "My Documents\My Videos"

Tutorial Video



Para sa mga katanungan, i message ako sa mga sumusunod;
E-mail - remwill_nakahata@yahoo.com.ph
Facebook - Remwill Nakahata
Cellphone No. - +639306309141

Stat Counter


View My Stats