December 30, 2010

Happy New Year!!!



Happy New Year!

Sa aking mga masugid na tagasubaybay, salamat sa suporta na ibigay niyo sa akin, at pasensiya na sa inyo kung halos 3 buwan akong nawala, dahil sa nakaka stress ang pag aaral namin sa school at ine enjoy ko pa ang bakasyon ngayon.


Isang taon, isang taon ng mga kaalaman at payo ang nabigay ko, ngunit kulang pa rin ito dahil marami pang bagay na dapat matutunan sa maayos na pag gamit ng kompyuter.


Ngunit, marahil, sa bagamat, datapwat, ang aking kakayahan sa pagbibigay ng impormasyon ay limitado dahil na rin sa kakulangan ng resources, (salapi at kompyuter) kaya pagpasensyahan niyo nalang muna ang mga post ko sa kakulangan ng dami. Pero ang kalidad naman ay hindi ko isa alang alang.

Anu ano ba ang dapat ninyong abangan sa aking blog ngayong taon?

- mas maayos at madaling mga tutorial.
- mga libreng software.
- mas pinahusay na blog site.


At baka ilagay ko rin ang mga sumusunod sa mga buwan na darating;

- Website Review
- Gadget Review
- Mga pa contest (pag may mg sponsors na siguro...)


upang aking makamit ang lahat ng hangarin na ito, kailangan ko ng tulong ninyo, natutuwa naman ako na maraming nagkaka interes sa "proyekto" ko na ito. Pero mas makakatulong sana kung may mga willing na mag volunteer sa blog, kailangan ko din kasi ng mga contributors ng mga articles na magugustuhan ng iba pang mga panauhin.


Ang panghuli, "financial assistance" sana, o kaya natanggap din ako ng spare parts ng kompyuter dahil balak kong bumuo ng sariling kompyuter sa bahay. Magastos ang pag kompyuter sa shop tuwing gagawa ako ng bagong article. Lalo na at konti lang ang baon ko araw araw ko sa isang araw. Tapos naglalakad lang ako papunta at pauwi ng school.


Ayun, sa mga susunod na linggo mag lalagay na ako ng unang post ko para sa taong 2011 .

Happy New Year!


Para sa mga katanungan, komento o suhestiyon, i message nalang ako sa mga sumusunod;

Facebook - remwill nakahata
Cell no. - +639306309141 (smart)

1 comment:

Mag iwan ng comments o tanong dito at aking tutugunan ito agad pag naka online ako.

Stat Counter


View My Stats