September 8, 2010

Paano mag "Back Up" ng mga files ng USB Flash Drive mo?



ikaw ba ay asar talo na sa mga virus na langing sumisira ng nmga files mo sa USB? na lagi ka nalang  nawawalan ng mga mahahalagang files dahil lagi kang nag re reformat ng USB Drive mo? o di kaya'y ikaw ay tulad ko na maalaga sa mga naipong mga files at installers sa mahabang panahon? puwes, nandito ako para tulungan kang muli!

wala ka nang kailangan kundi ang kompyuter mo mismo dahil ang program na gagamitin natin ay "built in" o kasama na sa kompyuter mo. (kung ikaw ay gumagamit ng Windows XP pataas na OS.)

Ang "File back-up Utility", gamit ito, maba back-up  mo ang lahat ng ng laman ng USB Drive mo.

Mga Kailangan:

*Kompyuter (Windows XP OS o Vista, Windows 7.)
- dito naka install ang program na gagamitin natin.

*Blank CD o DVD at CD/DVD Writer (Kung Meron ka.)
- dito i save yung back-up file kung meron ka. mas mainam ito kaysa sa ibang pwede pag save ng file. kung meron kang Nero Express 9 mas maigi.

*USB Flash Drive (na bakante.)
- isang USB Drive na hindi mo ginagamit kung wala kang blank na cd/dvd. recommended ko ang 2GB.

*Hard Drive (kung wala ka nang USB na bakante o CD/DVD.)
-pwede mo rin i save yan sa isang folder sa "My Documents".

Simulan na natin!

1. una sa lahat, gamit ang anti-virus ng kompyuter mo, para makasigurado na walang virus na masasama sa back-up.

2. pagkatapos mag scan, double click "my computer", at i right click sa USB Drive mo.

3. piliin ang properties, tapos punta ka ng "tools" tab at click ang "back up now."

4.1. sa unang window, click next.


4.2. sa pangalawang window, click next.


4.3. sa pangatlong window, piliin ang "let me choose what to back up."


4.4. sa pang apat na window, lagyan ng check ang box ng USB Drive mo sa kaliwang window.


4.5. sa pang lima na window, i browse kung saan i sa save ang back-up file. (ok na sa "my documents".)


4.6. sa last na window, click finish para magsimula ang back-up process.

5. pag natapos na yung pag back up, i check ang "my documents" kung nandun yung " Backup.bkf" file. tapos ilagay nalang kung saan mo siya itatago.

ayan! may back up file ka na!



hehe, enjoy. ^^,

By Remwill Nakahata

No comments:

Post a Comment

Mag iwan ng comments o tanong dito at aking tutugunan ito agad pag naka online ako.

Stat Counter


View My Stats