June 16, 2010

Paano magbalik ng mga files na mga files na nabura ng aksidente sa USB drive o Memory Card?




Tumitingin ka ng mga pictures ng mga magagandang chikkas na kinuha mo sa kanilang friendster at facebook nila. sakto namang dumating yung Girlfriend mong insecure at selosa at nakita yung mga ginagawa mo. hahahaha. walang dalawang isip na binura ang pinaghirapan mong ipunin ng bung araw. sabay alis si girlfriend na sobra ang inis sayo. ang masama pa nun, yung buong picture folde mo ang na delete. kasama na yung mga pictures na kailangan mo sa darating na project submission mo. Patay.

hindi kita matutulungan sa gf mo, pero dun sa pictures para sa project mo. (at yung pictures ng chikkas mo.) eh kaya nating solusyunan yan.

Gamit ang "Recuva"mula sa Piriform.

isa po itong freeware(basa:libre)program na makakapagbalik sa mga aksidenteng nabura na files.

Karaniwang files na nababawi ng Recuva:

* Pictures
* Documents
* Music
* Videos
* Compressed Files
* ATBP. Program component files

Mula sa mga:

*Hard Disk Drive (C:, D:)
*USB Flash Drive (E:, F:, G:)
*Memory Cards (lahat ng klase basta may card reader ka ng card mo.)
*MP3 at MP4 Players
*Mga gadget na pag kinabit sa kompyuter mo ay bumabasa bilang "USB Mass Storage Device"

Simulan na natin!

1. Download Recuva here.

2. Install Recuva, next next lang po sa pag install.

3. I open ang program at may lalabas na file recovery wizard.

4. Piliin kung anung files ang hahanapin. halimbawa pictures.

5. Piliin kung saan nadelete yung file. kung hindi mo alam next mo nalang.

*kung sa kompyuter nawala, piliin ang C:\
*kung sa USB o gadget, piliin yung "on my media card"

6. Click next at lagyan ng check ang enable deep scan, mas matagal ng konti ang scan pero mas sure na mahahanap ang file mo na nabura.

7. Pag natapos ang pag scan ng Recuva, may lalabas na listahan ng mga filenames. right click mo ang file at piliin ang "recover" highlighted.

Paalala: ang files na:

Green Icon: mataas ang pag asa na marecover.
Yellow Icon: 50-50 ang chance.
Red Icon: Maliit ang chance marecover.

8. Piliin kung saan ilalagay ang file. (mabuti sa desktop o kaya gawa ka ng folder sa desktop.)

9. Double check mo yung mga narecover kung yun yung mga files na kailangan mo.

Tapos!

Paalala:

hindi gumagana ang Recuva (at ibang file recovery software) sa mga Sumusunod:

* "Securely deleted files"
* Files na ginamitan ng "File Shredder"
* Mga USB Drive at Memory Card na bagong format.

By Remwill Nakahata ^^,

2 comments:

Mag iwan ng comments o tanong dito at aking tutugunan ito agad pag naka online ako.

Stat Counter


View My Stats