May 8, 2010

Paano tulungan si Remwill Nakahata?




Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa mga taong nagbasa (o tumingin mang lang.) ng aking mga blog post, mga nagtanong sa akin sa Facebook ko at nanood ng mga tutorial ko sa Youtube.

"ang mga comments at feedback niyo ay importante!"

Natutuwa naman ako dahil sa unti unting dumadami ang views, kasi nagsimula lang talaga ito bilang isang eksperimento.

Sa totoo lang, ako din po ay baguhan sa kompyuter, kaya masasabi ko din na ako'y isa ring "Tanga" pagdating sa paggamit ng kompyuter. (may pitong taon na ata.) Pero meron ding naman akong natutunan.

Kaya ko binuo ang "Kompyuter Para Sa Mga Tanga", ay sa kadahilanang gusto ko rin ipamahagi ang aking mga natutunan, natuklasan at nalaman sa inyong lahat na gusto matuto. at naisip ko na ring gawing wikang Pilipino ang wika para ang karamihan ng mga pinoy ay makasabay at makaintindi. (Hirap nga po akong magtagalog sa lagay na ito eh.)

Ang inyong lingkod na si Remwill ay kusang loob at taos pusong ginagawa ito upangkahit paano ay makatulong sa problema niyo tungkol sa kompyuter.

Ngunit ako rin po ay hirap sa buhay, haha. wala po akong sariling kompyuter, sa mga internet cafe ko lang po ginagawa ang mga pagtype, pag demo, pag gawa ng video, pag upload at kung anu ano pa.

kaya limitado lang din ang kaya kong ibahagi na kaalaman sa inyo sa ngayon sapagkat ako'y salat sa pondo at gamit.

Pero hindi ito magiging balakid sa paghatid ko sa inyo ng mga impormasyong kailangan iyo upang mawala ang sakit ng ulon inyo sa pag kokompyuter. (ulo ko nalang sasakit para sa inyo.)

Pag magkaroon ako ng libreng oras, (at maraming salapi pang kompyuter.) unti unti kong pagandahin ang website na ito. ilan sa mga naisip kong pagbabago;

* Dagdagan ang mga "contents" o laman ng website. (bukod sa mga topics at tutorials ko.)

* Software request - pwede na po kayo magpahanap ng software. (mapa premium o freeware.) sa akin at ibibigay ko ng libre.

* Tutorial Request - kung may nais kang malaman tungkol sa kompyuter, request ka lang. (at kung marami ang makikinabang, gagawan natin ng tutorial video.

* Website Review - mga da best sites sa internet, ating sisilipin at huhusgahan.

( Alam kong nagsasawa na kayo sa kakabasa, pero last naitong paragraph sa baba.)

Upang magawa ko ang lahat ng mga ito, kailangan ko ng tulong niyong lahat. kung kayoay nakakaluwag sa buhay, (tipong mayaman o may sobrang pera lang talaga.) ako po ay tumatanggap ng cash donation. para sa karagdagang impormasyon. click po ang link sa baba.

Suportahan si Remwill Nakahata

ang isa pang paraan upang matulungan niyo po ako ay bahagian niyo po ako ng used computer parts, (o kahit brand new, mas mabuti. kaw bahala.) balak ko kasi bumuo ng "Frankenstein" na kompyuter. mufufufufu!

Mga Paraan para ma contact ako;

* Cellphone- +639086528876
* E mail & Yahoo Messenger- remwill_nakahata@yahoo.com.ph
* Facebook- Remwill Nakahata
* Friendster- Remwill Nakahata

Salamat sa pag tangkilik, suportahan niyo lang po ako at ang lahat ay makikinabang.

Remwill Nakahata ^^,

1 comment:

  1. uii nakahata absent k noon friday.haha
    -press

    ReplyDelete

Mag iwan ng comments o tanong dito at aking tutugunan ito agad pag naka online ako.

Stat Counter


View My Stats