May 28, 2010

Paano maging safe ang pag browse sa internet?





Isang araw, nang mag simula ako mag kompyuter sa isang kompyuter shop na ang pangalan ay "friendstar", napansin ko na may dalawang internet explorer na nakabukas, isang facebook, isang friendster, eh pag ako dinemenyo, kung anu ano ang naiisip kong gawin sa mga naiwang account na tulad nito. babae pa naman. yung facebook niya dinelete ko, muhahahaha!!! yung friendster naman, ginago ko! wawa naman yung may ari... ahahahaha. pinalitan ko yung primary pic niya ng bold pic ang primary photo niya, binago ko ang pangalan niya, naging "Beth Logan", dinelete ko nag lahat ng friends, basta lahat. mufufufufu...

ang moral lesson? laging mag log out bago mag time. pero minsan, (o madalas.) nakakalimutan ito gawin ng mga tao. kaya pag upo ng next customer sa kompyuter, malaya siyang gawin ang mga kalokohan na binanggit ko.

Isa pang example, para naman sa mga taong nag kokompyuter sa bahay. mga lalaki na mahihilig mag porn. tinype ni kuya ang www.youporn.com. pagkatapos makaraos, in off ang kompyuter. after two hours, si ate naman ang gumamit ng kompyuter, tinype niya ang www.youtube.com, pero sa hindi ko malaman na dahilan, biglang na re direct ang page papuntang Youporn.com (spyware siguro. O.o) sakto, pumasok si totoy at nakita ang page na binuksan ni ate. diretso naman sumbong si totoy sa mama. muhahahahaha!!!

Para maiwasan labagin ang "privacy issues" mo sa pag browse sa internet, may nakita akong program (at matagal ko na ring ginagamit.) na makakatulong sayo.

"Google Chrome (Portable)"

Alam mo naman siguro ng karamihan kung ano ang Google Chrome

Features:

* Pinakamabilis na web browser sa buong mundo!
* Madali gamitin.
* Hindi kailanga ng extra add ons para gumana. (Puwera Flash Player.)
* Kahit tanga, magagamit ito ng maayos ^^,

Ang maganda sa program na ito ay "Portable" siya.

Simulan na natin!

1. Download mo ito. "Google Chrome Portable, Online Installer" Download Here.

2. I run ang program.

3. Piliin kung saan i install ang program, ( siyempre sa USB di ba?) pero madalas, automatic na babasahin ng installer ang USB mo kaya next next nalang sa install.

4. Hintayin matapos ang installation. (Paalala: kaialangan ng internet connection para matapos ang installation.)

5. Click finish. at simulan na ang bagong internet experience mo!

By: Remwill Nakahata

Enjoy! ^^,

No comments:

Post a Comment

Mag iwan ng comments o tanong dito at aking tutugunan ito agad pag naka online ako.

Stat Counter


View My Stats