May 28, 2010

Paano maging safe ang pag browse sa internet?





Isang araw, nang mag simula ako mag kompyuter sa isang kompyuter shop na ang pangalan ay "friendstar", napansin ko na may dalawang internet explorer na nakabukas, isang facebook, isang friendster, eh pag ako dinemenyo, kung anu ano ang naiisip kong gawin sa mga naiwang account na tulad nito. babae pa naman. yung facebook niya dinelete ko, muhahahaha!!! yung friendster naman, ginago ko! wawa naman yung may ari... ahahahaha. pinalitan ko yung primary pic niya ng bold pic ang primary photo niya, binago ko ang pangalan niya, naging "Beth Logan", dinelete ko nag lahat ng friends, basta lahat. mufufufufu...

ang moral lesson? laging mag log out bago mag time. pero minsan, (o madalas.) nakakalimutan ito gawin ng mga tao. kaya pag upo ng next customer sa kompyuter, malaya siyang gawin ang mga kalokohan na binanggit ko.

Isa pang example, para naman sa mga taong nag kokompyuter sa bahay. mga lalaki na mahihilig mag porn. tinype ni kuya ang www.youporn.com. pagkatapos makaraos, in off ang kompyuter. after two hours, si ate naman ang gumamit ng kompyuter, tinype niya ang www.youtube.com, pero sa hindi ko malaman na dahilan, biglang na re direct ang page papuntang Youporn.com (spyware siguro. O.o) sakto, pumasok si totoy at nakita ang page na binuksan ni ate. diretso naman sumbong si totoy sa mama. muhahahahaha!!!

Para maiwasan labagin ang "privacy issues" mo sa pag browse sa internet, may nakita akong program (at matagal ko na ring ginagamit.) na makakatulong sayo.

"Google Chrome (Portable)"

Alam mo naman siguro ng karamihan kung ano ang Google Chrome

Features:

* Pinakamabilis na web browser sa buong mundo!
* Madali gamitin.
* Hindi kailanga ng extra add ons para gumana. (Puwera Flash Player.)
* Kahit tanga, magagamit ito ng maayos ^^,

Ang maganda sa program na ito ay "Portable" siya.

Simulan na natin!

1. Download mo ito. "Google Chrome Portable, Online Installer" Download Here.

2. I run ang program.

3. Piliin kung saan i install ang program, ( siyempre sa USB di ba?) pero madalas, automatic na babasahin ng installer ang USB mo kaya next next nalang sa install.

4. Hintayin matapos ang installation. (Paalala: kaialangan ng internet connection para matapos ang installation.)

5. Click finish. at simulan na ang bagong internet experience mo!

By: Remwill Nakahata

Enjoy! ^^,

May 23, 2010

Paano dagdagan ng 10GB ang USB mo?




ikaw ba ay sawa nasa kaiissip kung saan isisiksik ang mga porn video at pics mo? sawa ka na ba sa kaka delete ng files na kailangan mo pa ngunit hindi naman nagagamit ng madalas? o sadyang hindi talaga sapat ang 1GB o 2GB na USB drive mo para sa mga gawain mo. (tulad ko.)

Puwes, matutulungan kita ulit dyan, muhahahahaha!!!

Ang "4shared.com" Desktop Program!

Mga kailangan:

-Kompyuter na may internet. (para magamit mo ng 4shared ng maayos.)
-USB Drive mo. (na may 5mb free space.)
-4shared.com desktop program. ("download" mo dito.)
-Gumawa ng account sa www.4shared.com

Simulan na natin:

1.download mo ang 4shared desktop program "dito"

2.i run ang installer pagka download mo.
-next next lang po sa process. pag may mga nakitang mga checkbox, tanggalin ang mga check.

-ang drive na piliin mo ay ang USB mo. (D:\,E:\ o kaya F:\)

3. pumunta ng www.4shared.com para mag register. (i verify agad ang account pag may natanggap na e mail sa email account mo para wala ng hassle next time.)

4.pagkatapos gumawa ng account, i click ang desktop.exe sa folder ng 4shared desktop na kakalagay mo lang sa USB mo.

5.mag log in gamit ang e mail at password na ginamit mo sa pag register sa 4shared.com

Ayan. meron ka nang 10GB na USB Drive. ewan ko nalang kung kulang pa yan sayo.

Paalala:

mas mainam gamitin yung 10GB sa mga files na maliliit ang size para ma upload agad ng mabilis.

Ex. photos, music, documents o kahit anong files na under 10mb.



By Remwill Nakahata

May 8, 2010

Paano tulungan si Remwill Nakahata?




Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa mga taong nagbasa (o tumingin mang lang.) ng aking mga blog post, mga nagtanong sa akin sa Facebook ko at nanood ng mga tutorial ko sa Youtube.

"ang mga comments at feedback niyo ay importante!"

Natutuwa naman ako dahil sa unti unting dumadami ang views, kasi nagsimula lang talaga ito bilang isang eksperimento.

Sa totoo lang, ako din po ay baguhan sa kompyuter, kaya masasabi ko din na ako'y isa ring "Tanga" pagdating sa paggamit ng kompyuter. (may pitong taon na ata.) Pero meron ding naman akong natutunan.

Kaya ko binuo ang "Kompyuter Para Sa Mga Tanga", ay sa kadahilanang gusto ko rin ipamahagi ang aking mga natutunan, natuklasan at nalaman sa inyong lahat na gusto matuto. at naisip ko na ring gawing wikang Pilipino ang wika para ang karamihan ng mga pinoy ay makasabay at makaintindi. (Hirap nga po akong magtagalog sa lagay na ito eh.)

Ang inyong lingkod na si Remwill ay kusang loob at taos pusong ginagawa ito upangkahit paano ay makatulong sa problema niyo tungkol sa kompyuter.

Ngunit ako rin po ay hirap sa buhay, haha. wala po akong sariling kompyuter, sa mga internet cafe ko lang po ginagawa ang mga pagtype, pag demo, pag gawa ng video, pag upload at kung anu ano pa.

kaya limitado lang din ang kaya kong ibahagi na kaalaman sa inyo sa ngayon sapagkat ako'y salat sa pondo at gamit.

Pero hindi ito magiging balakid sa paghatid ko sa inyo ng mga impormasyong kailangan iyo upang mawala ang sakit ng ulon inyo sa pag kokompyuter. (ulo ko nalang sasakit para sa inyo.)

Pag magkaroon ako ng libreng oras, (at maraming salapi pang kompyuter.) unti unti kong pagandahin ang website na ito. ilan sa mga naisip kong pagbabago;

* Dagdagan ang mga "contents" o laman ng website. (bukod sa mga topics at tutorials ko.)

* Software request - pwede na po kayo magpahanap ng software. (mapa premium o freeware.) sa akin at ibibigay ko ng libre.

* Tutorial Request - kung may nais kang malaman tungkol sa kompyuter, request ka lang. (at kung marami ang makikinabang, gagawan natin ng tutorial video.

* Website Review - mga da best sites sa internet, ating sisilipin at huhusgahan.

( Alam kong nagsasawa na kayo sa kakabasa, pero last naitong paragraph sa baba.)

Upang magawa ko ang lahat ng mga ito, kailangan ko ng tulong niyong lahat. kung kayoay nakakaluwag sa buhay, (tipong mayaman o may sobrang pera lang talaga.) ako po ay tumatanggap ng cash donation. para sa karagdagang impormasyon. click po ang link sa baba.

Suportahan si Remwill Nakahata

ang isa pang paraan upang matulungan niyo po ako ay bahagian niyo po ako ng used computer parts, (o kahit brand new, mas mabuti. kaw bahala.) balak ko kasi bumuo ng "Frankenstein" na kompyuter. mufufufufu!

Mga Paraan para ma contact ako;

* Cellphone- +639086528876
* E mail & Yahoo Messenger- remwill_nakahata@yahoo.com.ph
* Facebook- Remwill Nakahata
* Friendster- Remwill Nakahata

Salamat sa pag tangkilik, suportahan niyo lang po ako at ang lahat ay makikinabang.

Remwill Nakahata ^^,

Stat Counter


View My Stats