January 4, 2010

Ode 2 USB Flash Drive - Isang tribute para sa ating dakilang USB flash drive


Kung isa kang tao (hindi ka naman suguro hayop.) na gumagamit ng kompyuter, dapat meron ka nito. (o kaya naman ay nakakita na, pulubi ka siguro kasi wala ka pang usb wawa naman...)

Merong 2 klase ng USB Flash drive, (meron pa bang iba?) Ang USB 1.1 At USB 2.0

*USB 1.1

Ito ang usb ng mga primitibong java man nung year 1998-2003 A.D. (ata.) Napakamahal na nito ngayon dahil isa na itong ancient technology, at pag ikaw ay maswerteng nakakita ng isa, nakawin mo na agad, bilis! dahil sa sobrang mahal ng usb na dinukot mo sa katabing kompyuter, walang matinong tao at hayop ang bibili nyan sayo, for sure.

Ang memory size (naiintindihan mo ba yun huh, tanga?) ng mga usb 1.1 ay ang mga sumusunod: 32mb,64mb,128mb,256mb,512mb,1gb, at 2gb. Wui Tanga, hindi yan cellphone number huh, at hindi rin yan lucky number sa 6/49 mega lotto.

Ang kadalasang write speed (bilis ng pagsulat o pagsave ng files, duh!) ng mga files ay nasa 3mb/s, minsan mas mababa pa depende sa bulok na kompyuter na gamit mo. agn write speed (tagalugin mo nga?!) naman ay hanggang 2mb/s. kaya kung may USB 1.1 ka na flash drive na minana mo pa sa mga ninuno mong unggoy, panahon na para ilipat ang files mo sa USB 2.0 flash drive at itago mo na sa baul ang napaglumaan na ng ka ninu ninuhan mo.

Nasa 250 pesos lang naman ang 1GB na 2.0 USB Flash drive. Bili na! ^^

*USB 2.0

Ang hi tech na USB na to ay mas maraming nagagawa kaysa dun sa usb 1.1 na kakatapon mo lang sa labas ng bintana mo. ang memory size ng usb 2.0 ay ang mga sumusunod: 512mb,1gb,2gb,4gb,8gb,16gb,32gb at may mga usap-usapan sa black market na balak nila maglabas ng 64gb at 128gb na USB, (gaano kaya karaming bold pics at video ang kasya dun??? hehehe...) Write speed ay nasa 5mb - 10mb/s at read speed ay nasa 12mb-15mb/s. isa pang magandang gamit nito ay ang pag boot, execute, o activate ng mga programs mula sa usb na walang lag, pero, like i said, depende pa rin yun sa bulok na pc na gamit mo. hahaha.

(gutom na ako...)

dumayo naman tayo sa mga kaya gawin ng maliit na bakal na nakasabit sa leeg mo parang necklace. Oo, USB nga yang suot mo na kulay itim.

* Kaya mag save ng multimedia files. tulad ng pictures, videos, mp3 at yung walang kwentang lyrics ng insomnia ni craig david at yung resume mo na hindi pa na print pero kailangan mo sa pag apply mo bukas. tsk.

*mag save ng single folder program files, (Oo, single ako. may angal?!)

*magsave ng files ng palihim. tulad ng mga scandal na videos at pics na ayaw mo pakita mo sa gf mo at baka yun ang maging dahilan ng pagbreak niyo. hahaha.

*pwede ka rin mag alaga ng virus sa loob ng usb! tapos ikalat mo ang mga bagong pet mo sa iba't ibang computer, tignan natin kung hindi ka masaktan ng may ari ng pc. umabot na ng 200+ ang mga alaga ko dati, kaso pinatay ni ESET NOD32 Antivirus... huhuhu...

*halos "lahat" ng file extension kaya i save ng usb (hindi yung sinasaksak sa appliances huh, tapos nagiging octopus, hindi yun.) tulad ng .dll .rar .zip .nes .gba. gets mo nasiguro yun, o Tanga ka pa rin?!

(pagod na ako magsulat sa lecheng 1/2 lengthwise na to, kaka ngalay. maliligo pa ako at i ta type to sa kompyuter shop mamaya.)

Isang huling paalala. (actually tatlo pa.)

*pag may virus ang usb, pa scan muna sa bantay ng com shop. (hoy, hindi yung aso sa labas ng com shop.) kadalasan naman ay walang bayad ang pa scan at delete ng USB. pero naka experience ako dati, 2 beses pa, "piso" ang singil kada virus. 20 ata ang pet ko nun... hindi pa ako nakakaupo, wala na agad akong pera, yung masama pa, pinatay yung mga inaalaga ko. huhuhu...

*i "safely remove" ang usb lagi. kung ayaw mong mawala ang 4 hours bold movie na kakadownload mo lang. pati na rin ang ibang files na mahalaga sayo dahilpag hindi mo sinunod ang mga payo ko, may chance ma ma "corrupt" ang files na mahalaga sayo. (hindi corrupt si Erap, tandaan mo yan! Erap pa rin ako, hehehe...)

*wag maglalagay ng "personal and private files" sa loob ng usb mo. kung ayaw mong matulad kay hadyen kho at katrina halili. gets mo ba??? for example, picture na hubo't hubad ka, mamaya makuha ng kakilala mo nag usb mo at i blackmail yung oic laban sayo at hingian ka ng pera, o mas malala, sirain ang pagkatao mo. ta tanga tanga ka pa man din.

Ok ba? Comments please?!

meron pang part 2. wait ka lang. ^^

No comments:

Post a Comment

Mag iwan ng comments o tanong dito at aking tutugunan ito agad pag naka online ako.

Stat Counter


View My Stats