January 24, 2010

Paano Magdownload Ng Video Sa Youtube?




"UPDATE" 08/29/11 ang latest na tutorial na gumagana ay matatagpuan "dito".

Napansin ko kasi na maraming bumabalik sa page na ito, hindi diguro nila napansin na may updated na tutorial na pala. pasensiya na po. O.o

Meron ka bang type na video sa youtube? music video ng paborito mong artista? mga episode ng pinapanood mong anime o telenovela o mga funny clips ba ang trip mo? kahit anung video pa yan basta nasa youtube, matutulungan kita ulit. bakit ka pa magbabayad ng 5, 10, 20 o minsan 30,50 sa isang video na kahit ikaw ay kaya mong i download? mag rent kalang ng isang oras baka maka sampung video ka pa.

Simulan na natin!

Requirements:

- MP4 player o Cellphone kung saan mo i save yung video.
- Yung USB Cable ng gadget mo.
- Computer! (obviously!)

*kung wala ka namang cable para sa mga gadget mo, siguro may memory card yan. hanap ka ng "Card Reader"


1. click ang link na ito para ma download ang latest na youtube video downloader.


2.pag na install mo na yung downloader, click mo ang youtube Video Downloader.

3.pumunta ng youtube at i search ang video na gusto mong i download.

4. i copy ang URL (ang web address) ng video.

5.i paste sa youtube downloader at click download.



Pag natapos na ang download, i cococonvert na natin yung video, dahil hindi mababasa ng gadget mo ang video pag diniretso agad ang file na di-nownload pwera nalang kung nabasa yan ng .FLV file.

1. i click ang convert video sa youtube downloader.

2. hanapin ang file na dinownload mo.

3. piliin ang format na kailangan para mabasa ng gadget mo:

Para sa cellphone:

Maliit na screen - 3GP - Medium
Malaki na screen - 3GP - Optimal

Para sa MP4 - PSP MP4 - Optimal

Para Ma-play sa computer - WMV - Optimal

4. I convert ang video...

5. pagkatapos i convert ang video, ilagay na ang converted file mo sa folder ng gadget mo.

Enjoy!

By Remwill Nakahata



For questions, Message me.

Facebook - Remwill Nakahata
Friendster - Remwill Nakahata

January 10, 2010

Paano mag view ng private albums sa friendster?


kung gustong gusto mo talaga makita ang private album ng crush o kagalit mo maaari kitang tulungan...

merong dalawang paraan, yung madali at yung hindi masyadong madali.

"madali"

1. mag log in sa friendster mo.

2.buksan mo ang profile ng target mo. kahit hindi mo pa friend okay lang. dapat may naka display na private album sa profile niya. (yung unang apat na photo album niya sa profile.)

PAALALA: pag naka private profile yung target, ok pa rin yun.

3. click mo tong website na to...

Dibatam_Photo_Viewer

4.kunin mo ang user id ng target, makikita ito sa may address bar ng profile na binuksan mo.

halimbawa:

www.friendster.com/123456
profiles.friendster.com/123456

bale, i copy ang "123456" ayan ang user id.

5. i paste ang number sa UID box at i click ang submit.

6. sa pag load ng page, makikita mo na ang listahan ng mga album, public man o private, pili ng album at i click! tagumpay! muhahahahaha!!! O.o

PAALALA:

ilang beses ko na rin ginagamit itong paraan na ito. minsan gumagana ng maayos at pinapakita ang "lahat" ng album. minsan naman ay nagloloko, ipapakita ang isang album na kung saan halos lahat ng picture ng lahat ng album (puwera private photos) ang naka lagay dun...

ito po yung link sa tutorial video ng "madali" na paraan...



ito naman ang instructions para sa "medyo mahirap na paraan. pero mas sure naman ito kaysa dun sa naunang paraan.

Requirements:

* friend mo yung target
* ang comments pageng target ay hindi dapat naka auto accept, dapat manual ang accept ng comments ng target. (yung aapprove muna yung friend bago pumasok ang comment sa page niya.)

1.una sa lahat, download mo itong file na ito...


Friendster Photo Viewer Code

2.i extract ang folder, pagkatapos ay buksan ang script.txt

3. pumunta sa comments page ng target.

4. copy lahat ang laman ng script.txt sa comment box ng target.

5. baguhin ang lahat ng XXXXXXXX sa code ng user id mo.

6. pagkatapos nun, maglagay ka nalang ng comment mo, words o kaya mas mabuti kung image comments, tabunan mo ng space ang pagitan ng code at comment para hindi mapansin ng target.

paalala: sigaruduhin mo na ma accept ang comment na ginawa mo para gumana ang code. kung ni reject, ulit ka ulit...

7. hintayin ng ilang araw ang pag accept sa comment. malalaman mo na pwede mo na ma view ang mga private album sa oras na mag message ang target mo sayo na ang subject
ay:

"You can view my private photos"

8. punta sa album list ng target.

ENJOY!!! ^^

PAALALA: hindi po ako ang gumawa ng code na yan. kaya ako po ay nagpapasalamat sa indonesian na gumawa ng entry sa blog niya. pati na rin an steps kung paano gamitin ang nasabing code.

isusunod ko na rin ang video demonstration ng "medyo mahirap" na paraan. please wait lang ng 2 days ok? ^^

January 4, 2010

Ode 2 USB Flash Drive - Isang tribute para sa ating dakilang USB flash drive


Kung isa kang tao (hindi ka naman suguro hayop.) na gumagamit ng kompyuter, dapat meron ka nito. (o kaya naman ay nakakita na, pulubi ka siguro kasi wala ka pang usb wawa naman...)

Merong 2 klase ng USB Flash drive, (meron pa bang iba?) Ang USB 1.1 At USB 2.0

*USB 1.1

Ito ang usb ng mga primitibong java man nung year 1998-2003 A.D. (ata.) Napakamahal na nito ngayon dahil isa na itong ancient technology, at pag ikaw ay maswerteng nakakita ng isa, nakawin mo na agad, bilis! dahil sa sobrang mahal ng usb na dinukot mo sa katabing kompyuter, walang matinong tao at hayop ang bibili nyan sayo, for sure.

Ang memory size (naiintindihan mo ba yun huh, tanga?) ng mga usb 1.1 ay ang mga sumusunod: 32mb,64mb,128mb,256mb,512mb,1gb, at 2gb. Wui Tanga, hindi yan cellphone number huh, at hindi rin yan lucky number sa 6/49 mega lotto.

Ang kadalasang write speed (bilis ng pagsulat o pagsave ng files, duh!) ng mga files ay nasa 3mb/s, minsan mas mababa pa depende sa bulok na kompyuter na gamit mo. agn write speed (tagalugin mo nga?!) naman ay hanggang 2mb/s. kaya kung may USB 1.1 ka na flash drive na minana mo pa sa mga ninuno mong unggoy, panahon na para ilipat ang files mo sa USB 2.0 flash drive at itago mo na sa baul ang napaglumaan na ng ka ninu ninuhan mo.

Nasa 250 pesos lang naman ang 1GB na 2.0 USB Flash drive. Bili na! ^^

*USB 2.0

Ang hi tech na USB na to ay mas maraming nagagawa kaysa dun sa usb 1.1 na kakatapon mo lang sa labas ng bintana mo. ang memory size ng usb 2.0 ay ang mga sumusunod: 512mb,1gb,2gb,4gb,8gb,16gb,32gb at may mga usap-usapan sa black market na balak nila maglabas ng 64gb at 128gb na USB, (gaano kaya karaming bold pics at video ang kasya dun??? hehehe...) Write speed ay nasa 5mb - 10mb/s at read speed ay nasa 12mb-15mb/s. isa pang magandang gamit nito ay ang pag boot, execute, o activate ng mga programs mula sa usb na walang lag, pero, like i said, depende pa rin yun sa bulok na pc na gamit mo. hahaha.

(gutom na ako...)

dumayo naman tayo sa mga kaya gawin ng maliit na bakal na nakasabit sa leeg mo parang necklace. Oo, USB nga yang suot mo na kulay itim.

* Kaya mag save ng multimedia files. tulad ng pictures, videos, mp3 at yung walang kwentang lyrics ng insomnia ni craig david at yung resume mo na hindi pa na print pero kailangan mo sa pag apply mo bukas. tsk.

*mag save ng single folder program files, (Oo, single ako. may angal?!)

*magsave ng files ng palihim. tulad ng mga scandal na videos at pics na ayaw mo pakita mo sa gf mo at baka yun ang maging dahilan ng pagbreak niyo. hahaha.

*pwede ka rin mag alaga ng virus sa loob ng usb! tapos ikalat mo ang mga bagong pet mo sa iba't ibang computer, tignan natin kung hindi ka masaktan ng may ari ng pc. umabot na ng 200+ ang mga alaga ko dati, kaso pinatay ni ESET NOD32 Antivirus... huhuhu...

*halos "lahat" ng file extension kaya i save ng usb (hindi yung sinasaksak sa appliances huh, tapos nagiging octopus, hindi yun.) tulad ng .dll .rar .zip .nes .gba. gets mo nasiguro yun, o Tanga ka pa rin?!

(pagod na ako magsulat sa lecheng 1/2 lengthwise na to, kaka ngalay. maliligo pa ako at i ta type to sa kompyuter shop mamaya.)

Isang huling paalala. (actually tatlo pa.)

*pag may virus ang usb, pa scan muna sa bantay ng com shop. (hoy, hindi yung aso sa labas ng com shop.) kadalasan naman ay walang bayad ang pa scan at delete ng USB. pero naka experience ako dati, 2 beses pa, "piso" ang singil kada virus. 20 ata ang pet ko nun... hindi pa ako nakakaupo, wala na agad akong pera, yung masama pa, pinatay yung mga inaalaga ko. huhuhu...

*i "safely remove" ang usb lagi. kung ayaw mong mawala ang 4 hours bold movie na kakadownload mo lang. pati na rin ang ibang files na mahalaga sayo dahilpag hindi mo sinunod ang mga payo ko, may chance ma ma "corrupt" ang files na mahalaga sayo. (hindi corrupt si Erap, tandaan mo yan! Erap pa rin ako, hehehe...)

*wag maglalagay ng "personal and private files" sa loob ng usb mo. kung ayaw mong matulad kay hadyen kho at katrina halili. gets mo ba??? for example, picture na hubo't hubad ka, mamaya makuha ng kakilala mo nag usb mo at i blackmail yung oic laban sayo at hingian ka ng pera, o mas malala, sirain ang pagkatao mo. ta tanga tanga ka pa man din.

Ok ba? Comments please?!

meron pang part 2. wait ka lang. ^^

Introduction

Ako po ay si Remwill Nakahata, A.K.A Kuya Will, Kuya Naki, Manong Will at kung anu ano pang kakaibang nicknames. 20 anyos at dakilang tambay sa Romblon St. sa Timog, CAA Las PiƱas City. Madalas niyo akong makikita sa Friendstar, Sa bahay o sa *******. Pero akin nalang yun... hahaha... Type ko ang mga girls na malaki ang dibdib este maganda, mabait at simple... hindi ako demanding, hehehe.

Napag isip-isip ko na marami palang tanga, bobo, at mangmang (at inutil na rin.)pagdating sa paggamit ng kompyuter, at sa tingin ko mukhang may kailangang gumabay sa mga de putang ito para matuto silang mag kompyuter ng maayos. (at maagapan ang pagsira nila sa lahat ng kompyuter sa mundo.)

Samahan niyo ako mundo na puno ng kasamaan, kasakiman at kamunduhan, ang mundo ng "Internet"

kung nagustuhan niyo man ang mga naitala ko sa Blog ko, (say B-I-L-O-G) pa comment nalang po sa:

Facebook - Remwill Nakahata
Friendster - Remwill Nakahata
E mail - remwill_nakahata@yahoo.com.ph
Cellphone - aba, de puta ka pala eh. wala na akong cellphone, nawala ko nung december... huhuhu....

Stat Counter


View My Stats