December 30, 2010

Happy New Year!!!



Happy New Year!

Sa aking mga masugid na tagasubaybay, salamat sa suporta na ibigay niyo sa akin, at pasensiya na sa inyo kung halos 3 buwan akong nawala, dahil sa nakaka stress ang pag aaral namin sa school at ine enjoy ko pa ang bakasyon ngayon.


Isang taon, isang taon ng mga kaalaman at payo ang nabigay ko, ngunit kulang pa rin ito dahil marami pang bagay na dapat matutunan sa maayos na pag gamit ng kompyuter.


Ngunit, marahil, sa bagamat, datapwat, ang aking kakayahan sa pagbibigay ng impormasyon ay limitado dahil na rin sa kakulangan ng resources, (salapi at kompyuter) kaya pagpasensyahan niyo nalang muna ang mga post ko sa kakulangan ng dami. Pero ang kalidad naman ay hindi ko isa alang alang.

Anu ano ba ang dapat ninyong abangan sa aking blog ngayong taon?

- mas maayos at madaling mga tutorial.
- mga libreng software.
- mas pinahusay na blog site.


At baka ilagay ko rin ang mga sumusunod sa mga buwan na darating;

- Website Review
- Gadget Review
- Mga pa contest (pag may mg sponsors na siguro...)


upang aking makamit ang lahat ng hangarin na ito, kailangan ko ng tulong ninyo, natutuwa naman ako na maraming nagkaka interes sa "proyekto" ko na ito. Pero mas makakatulong sana kung may mga willing na mag volunteer sa blog, kailangan ko din kasi ng mga contributors ng mga articles na magugustuhan ng iba pang mga panauhin.


Ang panghuli, "financial assistance" sana, o kaya natanggap din ako ng spare parts ng kompyuter dahil balak kong bumuo ng sariling kompyuter sa bahay. Magastos ang pag kompyuter sa shop tuwing gagawa ako ng bagong article. Lalo na at konti lang ang baon ko araw araw ko sa isang araw. Tapos naglalakad lang ako papunta at pauwi ng school.


Ayun, sa mga susunod na linggo mag lalagay na ako ng unang post ko para sa taong 2011 .

Happy New Year!


Para sa mga katanungan, komento o suhestiyon, i message nalang ako sa mga sumusunod;

Facebook - remwill nakahata
Cell no. - +639306309141 (smart)

October 29, 2010

Sa lahat ng aking tagasubaybay...


Sensya na kung hindi ako nakaka upload ng mga bagong kaalman nitong mga nakaraang linggo. sumasabay kasi ang pag aaral ko sa school ko at ako ay na i i stress na sa buhay. haha... at kailangan ko na ayusin yung mga lumang mga post ko kasi karamihan ata ng link (at pati na yung mga tutorial) ay hindi na gumagana at umuubra.

makakatulong sana sa akin kung kayo na lang muna ang magbibigay na topic sa akin, at kung kaya ko naman gawan ng tutorial ay gagawin ko na agad.

ok ba yun? pasensya na talaga. hahaha. pero na ta touch pa rin ako dahil kahit walang bagong entry ay may tumitingin parin ng blog ko.

thanks sa lahat! sana tuloy lang ang supporta niyo sa akin. ^^

hanggang sa susunod,

Remwill Nakahata

September 8, 2010

Paano mag "Back Up" ng mga files ng USB Flash Drive mo?



ikaw ba ay asar talo na sa mga virus na langing sumisira ng nmga files mo sa USB? na lagi ka nalang  nawawalan ng mga mahahalagang files dahil lagi kang nag re reformat ng USB Drive mo? o di kaya'y ikaw ay tulad ko na maalaga sa mga naipong mga files at installers sa mahabang panahon? puwes, nandito ako para tulungan kang muli!

wala ka nang kailangan kundi ang kompyuter mo mismo dahil ang program na gagamitin natin ay "built in" o kasama na sa kompyuter mo. (kung ikaw ay gumagamit ng Windows XP pataas na OS.)

Ang "File back-up Utility", gamit ito, maba back-up  mo ang lahat ng ng laman ng USB Drive mo.

Mga Kailangan:

*Kompyuter (Windows XP OS o Vista, Windows 7.)
- dito naka install ang program na gagamitin natin.

*Blank CD o DVD at CD/DVD Writer (Kung Meron ka.)
- dito i save yung back-up file kung meron ka. mas mainam ito kaysa sa ibang pwede pag save ng file. kung meron kang Nero Express 9 mas maigi.

*USB Flash Drive (na bakante.)
- isang USB Drive na hindi mo ginagamit kung wala kang blank na cd/dvd. recommended ko ang 2GB.

*Hard Drive (kung wala ka nang USB na bakante o CD/DVD.)
-pwede mo rin i save yan sa isang folder sa "My Documents".

Simulan na natin!

1. una sa lahat, gamit ang anti-virus ng kompyuter mo, para makasigurado na walang virus na masasama sa back-up.

2. pagkatapos mag scan, double click "my computer", at i right click sa USB Drive mo.

3. piliin ang properties, tapos punta ka ng "tools" tab at click ang "back up now."

4.1. sa unang window, click next.


4.2. sa pangalawang window, click next.


4.3. sa pangatlong window, piliin ang "let me choose what to back up."


4.4. sa pang apat na window, lagyan ng check ang box ng USB Drive mo sa kaliwang window.


4.5. sa pang lima na window, i browse kung saan i sa save ang back-up file. (ok na sa "my documents".)


4.6. sa last na window, click finish para magsimula ang back-up process.

5. pag natapos na yung pag back up, i check ang "my documents" kung nandun yung " Backup.bkf" file. tapos ilagay nalang kung saan mo siya itatago.

ayan! may back up file ka na!



hehe, enjoy. ^^,

By Remwill Nakahata

August 3, 2010

Paano pabilisin ang pag download ng mga files mula sa Internet?



maraming tao ang mahilig mag download ng kung anu ani mula sa internet. music, video, pictures, installers at iba pa. pero madalas, mabagal ang mga download natin dahil sa samu't saring  dahilan. una na rito ang bagal ng iyong internet connection. minsan, nakaka asar na dahil napapa extend ka ng di oras sa computer shop dahil sa hindi pa natatapos ng download mo. at pag minalas ka pa, uulitin mo ulit ang pag download dahil saglit lang nawala ang connection ng internet. Bad trip!

pero may solusyon tayo dyan, gamit ang "Internet Download Manager"

Mga kaya gawin ng program:


  • hanggang 16 connections ang kayang mag download ng file mo, para sa siguradong mas mabilis ang download mo.
  • kayang mag tuloy ng mga nahintong download.
  • nakakadownload ng audio at video sa mga piling "Streaming Websites" (tulad ng Youtube at Skreemr.)
  • pwedeng gamitin sa kahit anung web browser. (Internet Explorer, Firefox, Google Chrome at Opera ang ilan.)
  • Pwede rin mag "Batch Downloading."
Simulan na natin!

  1. download mo ang Internet Download Manager "dito."
  2. install mo ang program, next next lang  sa pag install hanggang matapos.
  3. pagkatapos ma install, i close ang lahat ng naka open na web browser para ma install sa default web browser mo ang IDM.
  4. pumunta sa site kung saan ka mag da download ng file.
  • Automatic Downloading - malalaman na automatic ang download mo  pag lumalabas ang IDM window sa webpage kung saan mo balak mag download ng mga files.
  • Manual Downloading - hanapin ang "link" ng file. (madalas ito yung mga salita na may underline.) halimbawa, yung download link sa step 1 ng blog entry na ito. i right click ang link at piliin ang option na, "Download with IDM."


Paano mag download ng Video?


  1. pumunta sa website kung nasaan  ang video na gusto mo i download.
  2. i search  ang video.
  3. pagka play ng video, may lalabas na maliit na window sa ibabaw ng video player na, "Download Video with IDM."
Paalala:

  • kung wala yung maliit na window na yun, subukan mong  mag right click sa bakanteng space ng webpage at i right click mo, piliin ang  "Download FLV Content with IDM."
  • may mga video websites na hindi kaya na download ng IDM, marahil ay protected ang video na gusto mo i download.
  • puro FLV video (Flash Video) ang mga video na mada download, kailangan mo ng media player na kayang bumasa ng FLV files kung balak mong panoorin sa kompyuter ang video na makukuha mo. (halimbawa, Winamp, VLC Media player.)
  • at kung  ilalagay mo sa gadget mo ang video, tulad ng cellphone, mp4 at PSP, kailangan may video converter na naka install sa kompyuter mo. (maganda ang Xilisoft video converter.)
Paano mag download ng Audio?

  1. maghanap ng website na may streaming mp3 player. (tulad ng "Skreemr")
  2. hanapin ang kanta na gusto mo i download.
  3. pagka play ng mp3, lalabas yung maliit na window ng IDM na, "Download  Audio with IDM". i click lang yung para magsimula ang download.
"video"

    July 20, 2010

    Paano lagyan ng disenyo ang iyong USB Flash Drive?



    sa dinami dami ng mga tao na merong USB drive ngayon, mahirap makipagtagisan sa samu't saring disenyo na available.may bakal, may plastik. disenyong pang lalaki at babae, mga generic at branded na USB. pero higit sa lahat, meron pa ring dapat hihigit sa lahat n mga kalokohan ng mga ito. ang laman mismo ng USB Drive. nakakalungkot isipi na ang mga tao ay gumagamit lang ng ng mga USB Drive bilang taguan ng mga files nila. pero sa totoo lang, mas higit pa ang kayang gawin ng kapirasong gadget na ito.

    una sa lahat, tuturuan ko kayo, mag "personalize" ng inyong USB Flash Drive gamit ang "USB Personaliser" mula sa "Alvarsoft". isa na namang freeware na medyo matagal ko na ring ginagamit.

    mga kayang gawin ng "USB Personaliser"

    * lagyan ang root folder, (C:\, D:\, E:\, F:\) at mga directory folder, (halimbawa: E:\documents) ng wallpaper na gusto mo.
    * baguhin ang mga icon ng mga folder.
    * baguhin ang icon ng USB Drive (E:\, F:\) sa "My Computer"
    * baguhin ang font color ng text.

    Simulan na natin!

    1. download mo ang "USB Personalizer" "dito."
    2. i extract ang laman sa desktop.
    3. open "USB Pesonalizer.exe"
    4. panoorin niyo nalang yung video... medyo komplikado yung susunod na gagawin kaya hindi ko ma e explain.  hahaha.



    enjoy!

    By Remwill Nakahata

    June 16, 2010

    Paano magbalik ng mga files na mga files na nabura ng aksidente sa USB drive o Memory Card?




    Tumitingin ka ng mga pictures ng mga magagandang chikkas na kinuha mo sa kanilang friendster at facebook nila. sakto namang dumating yung Girlfriend mong insecure at selosa at nakita yung mga ginagawa mo. hahahaha. walang dalawang isip na binura ang pinaghirapan mong ipunin ng bung araw. sabay alis si girlfriend na sobra ang inis sayo. ang masama pa nun, yung buong picture folde mo ang na delete. kasama na yung mga pictures na kailangan mo sa darating na project submission mo. Patay.

    hindi kita matutulungan sa gf mo, pero dun sa pictures para sa project mo. (at yung pictures ng chikkas mo.) eh kaya nating solusyunan yan.

    Gamit ang "Recuva"mula sa Piriform.

    isa po itong freeware(basa:libre)program na makakapagbalik sa mga aksidenteng nabura na files.

    Karaniwang files na nababawi ng Recuva:

    * Pictures
    * Documents
    * Music
    * Videos
    * Compressed Files
    * ATBP. Program component files

    Mula sa mga:

    *Hard Disk Drive (C:, D:)
    *USB Flash Drive (E:, F:, G:)
    *Memory Cards (lahat ng klase basta may card reader ka ng card mo.)
    *MP3 at MP4 Players
    *Mga gadget na pag kinabit sa kompyuter mo ay bumabasa bilang "USB Mass Storage Device"

    Simulan na natin!

    1. Download Recuva here.

    2. Install Recuva, next next lang po sa pag install.

    3. I open ang program at may lalabas na file recovery wizard.

    4. Piliin kung anung files ang hahanapin. halimbawa pictures.

    5. Piliin kung saan nadelete yung file. kung hindi mo alam next mo nalang.

    *kung sa kompyuter nawala, piliin ang C:\
    *kung sa USB o gadget, piliin yung "on my media card"

    6. Click next at lagyan ng check ang enable deep scan, mas matagal ng konti ang scan pero mas sure na mahahanap ang file mo na nabura.

    7. Pag natapos ang pag scan ng Recuva, may lalabas na listahan ng mga filenames. right click mo ang file at piliin ang "recover" highlighted.

    Paalala: ang files na:

    Green Icon: mataas ang pag asa na marecover.
    Yellow Icon: 50-50 ang chance.
    Red Icon: Maliit ang chance marecover.

    8. Piliin kung saan ilalagay ang file. (mabuti sa desktop o kaya gawa ka ng folder sa desktop.)

    9. Double check mo yung mga narecover kung yun yung mga files na kailangan mo.

    Tapos!

    Paalala:

    hindi gumagana ang Recuva (at ibang file recovery software) sa mga Sumusunod:

    * "Securely deleted files"
    * Files na ginamitan ng "File Shredder"
    * Mga USB Drive at Memory Card na bagong format.

    By Remwill Nakahata ^^,

    May 28, 2010

    Paano maging safe ang pag browse sa internet?





    Isang araw, nang mag simula ako mag kompyuter sa isang kompyuter shop na ang pangalan ay "friendstar", napansin ko na may dalawang internet explorer na nakabukas, isang facebook, isang friendster, eh pag ako dinemenyo, kung anu ano ang naiisip kong gawin sa mga naiwang account na tulad nito. babae pa naman. yung facebook niya dinelete ko, muhahahaha!!! yung friendster naman, ginago ko! wawa naman yung may ari... ahahahaha. pinalitan ko yung primary pic niya ng bold pic ang primary photo niya, binago ko ang pangalan niya, naging "Beth Logan", dinelete ko nag lahat ng friends, basta lahat. mufufufufu...

    ang moral lesson? laging mag log out bago mag time. pero minsan, (o madalas.) nakakalimutan ito gawin ng mga tao. kaya pag upo ng next customer sa kompyuter, malaya siyang gawin ang mga kalokohan na binanggit ko.

    Isa pang example, para naman sa mga taong nag kokompyuter sa bahay. mga lalaki na mahihilig mag porn. tinype ni kuya ang www.youporn.com. pagkatapos makaraos, in off ang kompyuter. after two hours, si ate naman ang gumamit ng kompyuter, tinype niya ang www.youtube.com, pero sa hindi ko malaman na dahilan, biglang na re direct ang page papuntang Youporn.com (spyware siguro. O.o) sakto, pumasok si totoy at nakita ang page na binuksan ni ate. diretso naman sumbong si totoy sa mama. muhahahahaha!!!

    Para maiwasan labagin ang "privacy issues" mo sa pag browse sa internet, may nakita akong program (at matagal ko na ring ginagamit.) na makakatulong sayo.

    "Google Chrome (Portable)"

    Alam mo naman siguro ng karamihan kung ano ang Google Chrome

    Features:

    * Pinakamabilis na web browser sa buong mundo!
    * Madali gamitin.
    * Hindi kailanga ng extra add ons para gumana. (Puwera Flash Player.)
    * Kahit tanga, magagamit ito ng maayos ^^,

    Ang maganda sa program na ito ay "Portable" siya.

    Simulan na natin!

    1. Download mo ito. "Google Chrome Portable, Online Installer" Download Here.

    2. I run ang program.

    3. Piliin kung saan i install ang program, ( siyempre sa USB di ba?) pero madalas, automatic na babasahin ng installer ang USB mo kaya next next nalang sa install.

    4. Hintayin matapos ang installation. (Paalala: kaialangan ng internet connection para matapos ang installation.)

    5. Click finish. at simulan na ang bagong internet experience mo!

    By: Remwill Nakahata

    Enjoy! ^^,

    May 23, 2010

    Paano dagdagan ng 10GB ang USB mo?




    ikaw ba ay sawa nasa kaiissip kung saan isisiksik ang mga porn video at pics mo? sawa ka na ba sa kaka delete ng files na kailangan mo pa ngunit hindi naman nagagamit ng madalas? o sadyang hindi talaga sapat ang 1GB o 2GB na USB drive mo para sa mga gawain mo. (tulad ko.)

    Puwes, matutulungan kita ulit dyan, muhahahahaha!!!

    Ang "4shared.com" Desktop Program!

    Mga kailangan:

    -Kompyuter na may internet. (para magamit mo ng 4shared ng maayos.)
    -USB Drive mo. (na may 5mb free space.)
    -4shared.com desktop program. ("download" mo dito.)
    -Gumawa ng account sa www.4shared.com

    Simulan na natin:

    1.download mo ang 4shared desktop program "dito"

    2.i run ang installer pagka download mo.
    -next next lang po sa process. pag may mga nakitang mga checkbox, tanggalin ang mga check.

    -ang drive na piliin mo ay ang USB mo. (D:\,E:\ o kaya F:\)

    3. pumunta ng www.4shared.com para mag register. (i verify agad ang account pag may natanggap na e mail sa email account mo para wala ng hassle next time.)

    4.pagkatapos gumawa ng account, i click ang desktop.exe sa folder ng 4shared desktop na kakalagay mo lang sa USB mo.

    5.mag log in gamit ang e mail at password na ginamit mo sa pag register sa 4shared.com

    Ayan. meron ka nang 10GB na USB Drive. ewan ko nalang kung kulang pa yan sayo.

    Paalala:

    mas mainam gamitin yung 10GB sa mga files na maliliit ang size para ma upload agad ng mabilis.

    Ex. photos, music, documents o kahit anong files na under 10mb.



    By Remwill Nakahata

    May 8, 2010

    Paano tulungan si Remwill Nakahata?




    Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa mga taong nagbasa (o tumingin mang lang.) ng aking mga blog post, mga nagtanong sa akin sa Facebook ko at nanood ng mga tutorial ko sa Youtube.

    "ang mga comments at feedback niyo ay importante!"

    Natutuwa naman ako dahil sa unti unting dumadami ang views, kasi nagsimula lang talaga ito bilang isang eksperimento.

    Sa totoo lang, ako din po ay baguhan sa kompyuter, kaya masasabi ko din na ako'y isa ring "Tanga" pagdating sa paggamit ng kompyuter. (may pitong taon na ata.) Pero meron ding naman akong natutunan.

    Kaya ko binuo ang "Kompyuter Para Sa Mga Tanga", ay sa kadahilanang gusto ko rin ipamahagi ang aking mga natutunan, natuklasan at nalaman sa inyong lahat na gusto matuto. at naisip ko na ring gawing wikang Pilipino ang wika para ang karamihan ng mga pinoy ay makasabay at makaintindi. (Hirap nga po akong magtagalog sa lagay na ito eh.)

    Ang inyong lingkod na si Remwill ay kusang loob at taos pusong ginagawa ito upangkahit paano ay makatulong sa problema niyo tungkol sa kompyuter.

    Ngunit ako rin po ay hirap sa buhay, haha. wala po akong sariling kompyuter, sa mga internet cafe ko lang po ginagawa ang mga pagtype, pag demo, pag gawa ng video, pag upload at kung anu ano pa.

    kaya limitado lang din ang kaya kong ibahagi na kaalaman sa inyo sa ngayon sapagkat ako'y salat sa pondo at gamit.

    Pero hindi ito magiging balakid sa paghatid ko sa inyo ng mga impormasyong kailangan iyo upang mawala ang sakit ng ulon inyo sa pag kokompyuter. (ulo ko nalang sasakit para sa inyo.)

    Pag magkaroon ako ng libreng oras, (at maraming salapi pang kompyuter.) unti unti kong pagandahin ang website na ito. ilan sa mga naisip kong pagbabago;

    * Dagdagan ang mga "contents" o laman ng website. (bukod sa mga topics at tutorials ko.)

    * Software request - pwede na po kayo magpahanap ng software. (mapa premium o freeware.) sa akin at ibibigay ko ng libre.

    * Tutorial Request - kung may nais kang malaman tungkol sa kompyuter, request ka lang. (at kung marami ang makikinabang, gagawan natin ng tutorial video.

    * Website Review - mga da best sites sa internet, ating sisilipin at huhusgahan.

    ( Alam kong nagsasawa na kayo sa kakabasa, pero last naitong paragraph sa baba.)

    Upang magawa ko ang lahat ng mga ito, kailangan ko ng tulong niyong lahat. kung kayoay nakakaluwag sa buhay, (tipong mayaman o may sobrang pera lang talaga.) ako po ay tumatanggap ng cash donation. para sa karagdagang impormasyon. click po ang link sa baba.

    Suportahan si Remwill Nakahata

    ang isa pang paraan upang matulungan niyo po ako ay bahagian niyo po ako ng used computer parts, (o kahit brand new, mas mabuti. kaw bahala.) balak ko kasi bumuo ng "Frankenstein" na kompyuter. mufufufufu!

    Mga Paraan para ma contact ako;

    * Cellphone- +639086528876
    * E mail & Yahoo Messenger- remwill_nakahata@yahoo.com.ph
    * Facebook- Remwill Nakahata
    * Friendster- Remwill Nakahata

    Salamat sa pag tangkilik, suportahan niyo lang po ako at ang lahat ay makikinabang.

    Remwill Nakahata ^^,

    April 7, 2010

    Paano mag update ng ESET Antivirus 4 at ESET Smart Security 4 ng libre at sa mabilis na paraan?




    Isa sa mga pinakamagandang proteksyon para sa kompyuter ngayon, pero pag lumipas ang isang buwan ay wala na ring kwenta kasi hindi "full version" ang ESET mo.

    Pero may solusyon dyan, ang "Nod Enabler"

    marami ang nagamit nito dahil legal (ata.) ito at madaling gamitin, higit sa lahat, "LIBRE"

    Simulan na natin!

    Paalala:

    * Kailangan tanggalin ang lahat ng "crack" na naka install sa ESET mo para ito ay gumana ng maayos.

    * Kailangan may internet connection ka para gumana ng maayos ang Nod Enabler.


    1. Download mo ang ESET Antivirus 4 pag wala ka pa nito at i install.

    ESET 4 EAV Download

    2. Download mo naman ito pag meron ka nang ESET Antivirus 4 o ESET Smart Security 4 na naka install sa kompyuter mo.

    Nod Enabler

    3. I extract ang laman ng RAR File gamit ang Winrar.

    4. Click mo ang set up x86 file at i install.

    5. Pagkatapos ang installation may lalabas na settings window, wag mo na baguhin ang settings at click mo agad ang "apply". kung gusto mo, lagyan ng check yung "launch at start up" at "create desktop icon".

    6. Hintayin matapos ang "license searching" ng Nodenabler. pag may lumabas na "ESET can now be updated" i right click sa icon ng ESET sa may system clock. (yung orange o red na mata, piliin ang update.

    (pag hindi gumana nga maayos ang nodenabler, restart ang kompyuter at i click yung shortcut ng nod enabler sa desktop.)

    Update: 05/25/10

    hindi na po gumagana ang nod enabler. panoorin niyo ang emergency replacement video na ito. madali lang ito.

    eto po yung link ng bagong updater:

    NOD Login



    Enjoy! ^^,

    Questions? E mail me.

    remwill_nakahata@yahoo.com.ph

    March 5, 2010

    Paano mag download ng mga MP3?



    Update! September 29, 2011

    Pansin ko lang na marami pa ring naliligaw ng landas sa lumang page na ito, matatagpuan ang bagong tutorial dito sa link na ito. pasensiya na sa abala.

    "Paano mag download ng mga MP3? (Updated)"

    Sumpain, sumpain ang download shop na naniningil ng 2php hanggang 5php para lang sa isang pirasong kanta, kala mo naman napakahirap mag download ng mga kanta sa internet, eh "Limewire" lang naman ang gsmit nila.

    ang Limewire ay isang program sa kompyuter kung saan pwede mag download ng mga music at video, pati na rin ang ibang uri ng files mula sa internet.

    Merong dalawang uri ng Limewire; yung free version at premium version.

    *FREE
    - tamang bilis ng download, depende sa internet connection mo. (Broadband=medyo mabagal, DSL=tama lang.)
    - limitado ang "sources" ng download.
    - medyo mataas ang tsansa na magka virus ang computer mo.

    (pag naiintindihan mo naman ang mga peligro na maaaring idulot ng pag download, click mo sa baba ang link ng limewire.)

    Limewire Basic

    *Premium (PRO)

    -"Turbo Charged" na connection.
    -mas maraming available na "sources" (para mabilis ang search at mahanap mp ang mga kanta na mahirap i download.
    -halos walang chance na makakuha ng virus. (Safe Download)

    *Meron akong Limewire PRO, message niyo lang po ako sa facebook or friendster (or yahoo mail remwill_nakahata@yahoo.com.ph), bigyan kita ng kopya.

    Paalala: ang Limewire ay gagana lamang ng maayos pag may "Java" na nakah install sa iyong kompyuter, pag wala pa, click ang link sa baba.

    "Java"

    Simulan na!

    1. Download Limewire. nasa taas ag link. Siguraduhing may Java na ang kompyuter mo.

    2. i run ang installer pag natapos na ang download. next next lang po.

    3. pag natapos na ang install. kusang mag o open ang program. hintayin mo lang.

    4. ayusin ang mga final settings, at tapos na ang install.

    5. para simulan ang search, click mo sa "all" tabs at palitan ng audio/music tab.

    6. i type ang hahanaping kanta. (maganda ang format na, Artist's Name - Title Of Song; para mas mabilis mag search.)

    Ex. Aerosmith - I Don't Wanna Miss A Thing

    7. pag lumabas na ang mga search result, double click lang sa file na gusto mo i download para mag simula ang pag download.

    8. pagnatapos na ang download, makikita ang file sa folder na ito.

    My Documents\Limewire\Saved

    o kaya sa,

    C:\Documents and Settings\Administrator\My Documents\LimeWire\Saved

    Pag gusto mo ilipat ang file sa gadget mo, (Cellphone, MP3, MP4, PSP) kailangan mo ng USB cable ng device mo, o kung wala naman ay card reader na kasya sa Memory Card ng gadget mo. ilagay sa tamang folder para basahin ng gadget.

    Halimbawa, sa local na mp4 (yung may games!) ilagay ang mp3 sa folder na AUDIO.



    Salamat sa pagbasa at Enjoy!

    By: Remwill Nakahata ^^,

    January 24, 2010

    Paano Magdownload Ng Video Sa Youtube?




    "UPDATE" 08/29/11 ang latest na tutorial na gumagana ay matatagpuan "dito".

    Napansin ko kasi na maraming bumabalik sa page na ito, hindi diguro nila napansin na may updated na tutorial na pala. pasensiya na po. O.o

    Meron ka bang type na video sa youtube? music video ng paborito mong artista? mga episode ng pinapanood mong anime o telenovela o mga funny clips ba ang trip mo? kahit anung video pa yan basta nasa youtube, matutulungan kita ulit. bakit ka pa magbabayad ng 5, 10, 20 o minsan 30,50 sa isang video na kahit ikaw ay kaya mong i download? mag rent kalang ng isang oras baka maka sampung video ka pa.

    Simulan na natin!

    Requirements:

    - MP4 player o Cellphone kung saan mo i save yung video.
    - Yung USB Cable ng gadget mo.
    - Computer! (obviously!)

    *kung wala ka namang cable para sa mga gadget mo, siguro may memory card yan. hanap ka ng "Card Reader"


    1. click ang link na ito para ma download ang latest na youtube video downloader.


    2.pag na install mo na yung downloader, click mo ang youtube Video Downloader.

    3.pumunta ng youtube at i search ang video na gusto mong i download.

    4. i copy ang URL (ang web address) ng video.

    5.i paste sa youtube downloader at click download.



    Pag natapos na ang download, i cococonvert na natin yung video, dahil hindi mababasa ng gadget mo ang video pag diniretso agad ang file na di-nownload pwera nalang kung nabasa yan ng .FLV file.

    1. i click ang convert video sa youtube downloader.

    2. hanapin ang file na dinownload mo.

    3. piliin ang format na kailangan para mabasa ng gadget mo:

    Para sa cellphone:

    Maliit na screen - 3GP - Medium
    Malaki na screen - 3GP - Optimal

    Para sa MP4 - PSP MP4 - Optimal

    Para Ma-play sa computer - WMV - Optimal

    4. I convert ang video...

    5. pagkatapos i convert ang video, ilagay na ang converted file mo sa folder ng gadget mo.

    Enjoy!

    By Remwill Nakahata



    For questions, Message me.

    Facebook - Remwill Nakahata
    Friendster - Remwill Nakahata

    January 10, 2010

    Paano mag view ng private albums sa friendster?


    kung gustong gusto mo talaga makita ang private album ng crush o kagalit mo maaari kitang tulungan...

    merong dalawang paraan, yung madali at yung hindi masyadong madali.

    "madali"

    1. mag log in sa friendster mo.

    2.buksan mo ang profile ng target mo. kahit hindi mo pa friend okay lang. dapat may naka display na private album sa profile niya. (yung unang apat na photo album niya sa profile.)

    PAALALA: pag naka private profile yung target, ok pa rin yun.

    3. click mo tong website na to...

    Dibatam_Photo_Viewer

    4.kunin mo ang user id ng target, makikita ito sa may address bar ng profile na binuksan mo.

    halimbawa:

    www.friendster.com/123456
    profiles.friendster.com/123456

    bale, i copy ang "123456" ayan ang user id.

    5. i paste ang number sa UID box at i click ang submit.

    6. sa pag load ng page, makikita mo na ang listahan ng mga album, public man o private, pili ng album at i click! tagumpay! muhahahahaha!!! O.o

    PAALALA:

    ilang beses ko na rin ginagamit itong paraan na ito. minsan gumagana ng maayos at pinapakita ang "lahat" ng album. minsan naman ay nagloloko, ipapakita ang isang album na kung saan halos lahat ng picture ng lahat ng album (puwera private photos) ang naka lagay dun...

    ito po yung link sa tutorial video ng "madali" na paraan...



    ito naman ang instructions para sa "medyo mahirap na paraan. pero mas sure naman ito kaysa dun sa naunang paraan.

    Requirements:

    * friend mo yung target
    * ang comments pageng target ay hindi dapat naka auto accept, dapat manual ang accept ng comments ng target. (yung aapprove muna yung friend bago pumasok ang comment sa page niya.)

    1.una sa lahat, download mo itong file na ito...


    Friendster Photo Viewer Code

    2.i extract ang folder, pagkatapos ay buksan ang script.txt

    3. pumunta sa comments page ng target.

    4. copy lahat ang laman ng script.txt sa comment box ng target.

    5. baguhin ang lahat ng XXXXXXXX sa code ng user id mo.

    6. pagkatapos nun, maglagay ka nalang ng comment mo, words o kaya mas mabuti kung image comments, tabunan mo ng space ang pagitan ng code at comment para hindi mapansin ng target.

    paalala: sigaruduhin mo na ma accept ang comment na ginawa mo para gumana ang code. kung ni reject, ulit ka ulit...

    7. hintayin ng ilang araw ang pag accept sa comment. malalaman mo na pwede mo na ma view ang mga private album sa oras na mag message ang target mo sayo na ang subject
    ay:

    "You can view my private photos"

    8. punta sa album list ng target.

    ENJOY!!! ^^

    PAALALA: hindi po ako ang gumawa ng code na yan. kaya ako po ay nagpapasalamat sa indonesian na gumawa ng entry sa blog niya. pati na rin an steps kung paano gamitin ang nasabing code.

    isusunod ko na rin ang video demonstration ng "medyo mahirap" na paraan. please wait lang ng 2 days ok? ^^

    January 4, 2010

    Ode 2 USB Flash Drive - Isang tribute para sa ating dakilang USB flash drive


    Kung isa kang tao (hindi ka naman suguro hayop.) na gumagamit ng kompyuter, dapat meron ka nito. (o kaya naman ay nakakita na, pulubi ka siguro kasi wala ka pang usb wawa naman...)

    Merong 2 klase ng USB Flash drive, (meron pa bang iba?) Ang USB 1.1 At USB 2.0

    *USB 1.1

    Ito ang usb ng mga primitibong java man nung year 1998-2003 A.D. (ata.) Napakamahal na nito ngayon dahil isa na itong ancient technology, at pag ikaw ay maswerteng nakakita ng isa, nakawin mo na agad, bilis! dahil sa sobrang mahal ng usb na dinukot mo sa katabing kompyuter, walang matinong tao at hayop ang bibili nyan sayo, for sure.

    Ang memory size (naiintindihan mo ba yun huh, tanga?) ng mga usb 1.1 ay ang mga sumusunod: 32mb,64mb,128mb,256mb,512mb,1gb, at 2gb. Wui Tanga, hindi yan cellphone number huh, at hindi rin yan lucky number sa 6/49 mega lotto.

    Ang kadalasang write speed (bilis ng pagsulat o pagsave ng files, duh!) ng mga files ay nasa 3mb/s, minsan mas mababa pa depende sa bulok na kompyuter na gamit mo. agn write speed (tagalugin mo nga?!) naman ay hanggang 2mb/s. kaya kung may USB 1.1 ka na flash drive na minana mo pa sa mga ninuno mong unggoy, panahon na para ilipat ang files mo sa USB 2.0 flash drive at itago mo na sa baul ang napaglumaan na ng ka ninu ninuhan mo.

    Nasa 250 pesos lang naman ang 1GB na 2.0 USB Flash drive. Bili na! ^^

    *USB 2.0

    Ang hi tech na USB na to ay mas maraming nagagawa kaysa dun sa usb 1.1 na kakatapon mo lang sa labas ng bintana mo. ang memory size ng usb 2.0 ay ang mga sumusunod: 512mb,1gb,2gb,4gb,8gb,16gb,32gb at may mga usap-usapan sa black market na balak nila maglabas ng 64gb at 128gb na USB, (gaano kaya karaming bold pics at video ang kasya dun??? hehehe...) Write speed ay nasa 5mb - 10mb/s at read speed ay nasa 12mb-15mb/s. isa pang magandang gamit nito ay ang pag boot, execute, o activate ng mga programs mula sa usb na walang lag, pero, like i said, depende pa rin yun sa bulok na pc na gamit mo. hahaha.

    (gutom na ako...)

    dumayo naman tayo sa mga kaya gawin ng maliit na bakal na nakasabit sa leeg mo parang necklace. Oo, USB nga yang suot mo na kulay itim.

    * Kaya mag save ng multimedia files. tulad ng pictures, videos, mp3 at yung walang kwentang lyrics ng insomnia ni craig david at yung resume mo na hindi pa na print pero kailangan mo sa pag apply mo bukas. tsk.

    *mag save ng single folder program files, (Oo, single ako. may angal?!)

    *magsave ng files ng palihim. tulad ng mga scandal na videos at pics na ayaw mo pakita mo sa gf mo at baka yun ang maging dahilan ng pagbreak niyo. hahaha.

    *pwede ka rin mag alaga ng virus sa loob ng usb! tapos ikalat mo ang mga bagong pet mo sa iba't ibang computer, tignan natin kung hindi ka masaktan ng may ari ng pc. umabot na ng 200+ ang mga alaga ko dati, kaso pinatay ni ESET NOD32 Antivirus... huhuhu...

    *halos "lahat" ng file extension kaya i save ng usb (hindi yung sinasaksak sa appliances huh, tapos nagiging octopus, hindi yun.) tulad ng .dll .rar .zip .nes .gba. gets mo nasiguro yun, o Tanga ka pa rin?!

    (pagod na ako magsulat sa lecheng 1/2 lengthwise na to, kaka ngalay. maliligo pa ako at i ta type to sa kompyuter shop mamaya.)

    Isang huling paalala. (actually tatlo pa.)

    *pag may virus ang usb, pa scan muna sa bantay ng com shop. (hoy, hindi yung aso sa labas ng com shop.) kadalasan naman ay walang bayad ang pa scan at delete ng USB. pero naka experience ako dati, 2 beses pa, "piso" ang singil kada virus. 20 ata ang pet ko nun... hindi pa ako nakakaupo, wala na agad akong pera, yung masama pa, pinatay yung mga inaalaga ko. huhuhu...

    *i "safely remove" ang usb lagi. kung ayaw mong mawala ang 4 hours bold movie na kakadownload mo lang. pati na rin ang ibang files na mahalaga sayo dahilpag hindi mo sinunod ang mga payo ko, may chance ma ma "corrupt" ang files na mahalaga sayo. (hindi corrupt si Erap, tandaan mo yan! Erap pa rin ako, hehehe...)

    *wag maglalagay ng "personal and private files" sa loob ng usb mo. kung ayaw mong matulad kay hadyen kho at katrina halili. gets mo ba??? for example, picture na hubo't hubad ka, mamaya makuha ng kakilala mo nag usb mo at i blackmail yung oic laban sayo at hingian ka ng pera, o mas malala, sirain ang pagkatao mo. ta tanga tanga ka pa man din.

    Ok ba? Comments please?!

    meron pang part 2. wait ka lang. ^^

    Introduction

    Ako po ay si Remwill Nakahata, A.K.A Kuya Will, Kuya Naki, Manong Will at kung anu ano pang kakaibang nicknames. 20 anyos at dakilang tambay sa Romblon St. sa Timog, CAA Las PiƱas City. Madalas niyo akong makikita sa Friendstar, Sa bahay o sa *******. Pero akin nalang yun... hahaha... Type ko ang mga girls na malaki ang dibdib este maganda, mabait at simple... hindi ako demanding, hehehe.

    Napag isip-isip ko na marami palang tanga, bobo, at mangmang (at inutil na rin.)pagdating sa paggamit ng kompyuter, at sa tingin ko mukhang may kailangang gumabay sa mga de putang ito para matuto silang mag kompyuter ng maayos. (at maagapan ang pagsira nila sa lahat ng kompyuter sa mundo.)

    Samahan niyo ako mundo na puno ng kasamaan, kasakiman at kamunduhan, ang mundo ng "Internet"

    kung nagustuhan niyo man ang mga naitala ko sa Blog ko, (say B-I-L-O-G) pa comment nalang po sa:

    Facebook - Remwill Nakahata
    Friendster - Remwill Nakahata
    E mail - remwill_nakahata@yahoo.com.ph
    Cellphone - aba, de puta ka pala eh. wala na akong cellphone, nawala ko nung december... huhuhu....

    Stat Counter


    View My Stats